Chapter 6

41.2K 479 5
                                    


"I'm sorry... for everything, for hurting you..." I sobbed.

He kissed my my eyes, my nose and my lips.

"Kahit ilang beses mo pa akong saktan, Honey... Babalik at babalik ako sa'yo..." he whispered.

Niyakap ko siya at umiyak sa dibdib niya. He carresed my hair. Ilang beses niya ding hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"I love you my Lexia..." he whispered.

Hindi niya na muling binuksan ang usapin tungkol sa nangyari sa akin noong wala siya. Noong nakalipas na limang taon dahil ayaw ko munang pag-usapan.

Ayaw kong lang masira ang moment namin. Sasabihin ko naman sa kanya lahat kapag okay na at kaya ko ng sabihin sa kanya.

Hindi din naging madali ang pagbubuntis ko. Nahirapan ako... pero kahit paano ay may tumulong naman sa akin. Kahit paano ay nando'n naman si Kiel kahit na may hindi kami pagkakaintindihan.

Tinulungan niya pa rin ako.

Pinag-usapan lang namin 'yung sa aming dalawa. Inayos namin pareho ang relasyon namin. Hindi ko akalain na ganito kadali ang lahat.

Buong akala ko ay galit ito at isang linggo ba ako mapatawad o baka umabot ng buwan.

But... he's Sollano, sobrang understanding ng mga Sollano.

Wala kang masabi kapag ang isang Sollano ang nagmahal sa'yo... dahil ipaparamdam nilang ikaw lang talaga at walang iba.

Takot lang silang maiwanan.

"Gisingin mo ang tatlo sa taas." Naramdaman ko ang pagnguso niya sa leeg ko.

Nagpatuloy ako sa paghiwa habang nakayakap siya sa likuran ko at nakabaon ang ulo sa aking leeg.

"Yiem, wala ng maitutulog ang mga 'yun," dagdag ko.

He sighed. "Punta na lang tayo sa perya pagkatapos."

"May perya? Saan?" I asked.

"Diyan sa bayan. May perya dahil malapit na ang fiesta na." I nodded.

Humalik muna siya sa gilid ng ulo ko bago naglakad paalis. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagluluto.

Sinigang ang niluto ko dahil 'yun ang paborito ng tatlo. Well, kay Yiem din namana dahil paborito ito ni Yiem.

Naghanda na ako ng mga plato habang pinapakulo. Narinig ko naman ang mga yabag nila lalo na ang boses ni Khalil. Nagsisimula na namang magdaldal.

"Is that sinigang, Daddy?" Natawa ako.

"Nah, my favorite," si Klent.

Natawa ako ng makitang tumatakbo na sila at nag-unahan sa pag-upo.

"Daddy!" pagtawag niya dito. Nagpapabuhat.

Natawa si Yiem at binuhat ang anak namin. Nagningning ang mga mata nito ng makita ang sinigang.

"Ang bango, Mommy. I want to eat na!" sabay taas niya pa sa mga kamay niya.

Napapailing na lang ako sa kakulitan niya. Nang maluto ang sinigang ay naglagay na ako sa mangkok.

"Aw," daing ko ng matapunan ako ng sabaw.

Agad ko tuloy naibaba sa kalan ang mangkok. Inihipan ko ang kamay ko ng may umagaw noon sa akin.

"Tss, hindi nag-iingat." I pouted.

Napagalitan pa nga. Hindi ko naman alam na mangyayari 'yun.

Hinalikan niya 'yun at inihipan.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now