Chapter 21

29.7K 336 4
                                    


"Ano ba!" inis kong sigaw sa kanya.

"Honey..." Paglalambing niya. I just glared at him.

"Isa na lang, Yiem. Hihiwalayan na kita." Banta ko.

He sighed.

"Hindi na... Sorry, hmm... Masakit ba ang puson mo?" malambing tanong niya.

Inirapan ko lang siya at nagpunta sa may kusina.

Wala ako sa mood at naiinis ako sa kanya, dahil may period ako ngayon. Naiinis talaga ako kapag mayroon ako kahit na wala namang ginagawa sa akin.

Hindi ko naramdaman na sumunod siya kaya nag-open na lang ako.

@asawakolahat
Oh pak! Ang hot 🥵🔥

@jennicasolid
parang masarap si guy. ang sarap sakyan

Napairap ako sa comment. Akala naman nila ay masasakyan nila si Yiem.

Maraming shares, react at comment ang pinost kong picture namin na ginawa namin. Hindi na nga kami natuloy ulit dahil kay Yiem.

Hindi na ako tinigilan hangga't hindi siya napagod, pero sa huli ay ako ang sumuko dahil mukhang wala siyang balak na sumuko.

@jenneletics
ate jen grabe ang hot nyong dalawa. ang aesthetic ninyo tingnan

@JennicaNation
Para silang couple na nasa Pinterest.

@Jensupporters
Baka naman puwedeng sakyan siya kahit isang beses?🤣

Nag-reply ako sa comment na 'yon.

JenLexia
@jlexiasilva

Puwede mo namang sakyan. Basta handa ka sa gagawin ko sa 'yo. 🙈

Napairap ako pagkatapos.

"Here," aniya.

Napatingin ako sa kanya at sa hawak niyang hot compress.

"Saan galing 'to?" I asked.

"Nagpasuyo ako sa may ari,"  simpleng sagot niya.

Kinuha ko 'yon sa kanya at ipinatong sa bandang puson ko. Napatingin siya sa ginawa ko.

"Masakit pa ba?" he asked softly. Nasa mukha niya rin ang pag-a-alala.

"Mawawala na rin ito mamaya," I answered.

"Kung puwede lang na ako na lang ang makaramdam ng sakit ng puson mo buwan-buwan ay aakuin ko talaga," aniya.

"Baliw. Hindi ka naman babae at hindi ka naman nireregla,"

"Kaya nga po. Kung puwede lang akuin ay aakuin ko," he said softly.

"Nah, sanay na ako. Normal lang talaga ang ganito," I answered atsaka umiling.

"Buntisin na lang kaya kita para hindi na sumakit ang puson mo," aniya.

I glared at him pero ang kanyang mukha ay nag-a-alala lang.

"Maraming beses na tayong nag-make love pero bakit hindi pa rin kita mabuntis?" tanong niya.

"Baog ka ata," ganti ko.

Nalaglag ang kanyang panga. I want to laugh. Nagpi-pills kasi ako kaya hindi niya talaga ako mabubuntis. Hindi pa ako handa na magkaroon ng anak.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now