Chapter 30

24.1K 292 18
                                    


I opened the door. Napatayo si Yiem nang makita ako. Ang kanyang mukha ay gulat. Ang kasama n'ya ay napalingon naman sa akin.

"Honey," he called.

"Hmm? Narinig ko," simpleng saad ko.

"Alis mo na ako, kuya." Paalam nito at lumabas na.

Prente akong umupo sa visitor chair niya. Hindi ko maipaliwanag ang exspresyon ng kanyang mukha. Para siyang natatakot na kinakabahan.

"Honey..." aniya.

"Yes? Balak mo bang ipaliwanag ang mga narinig ko o tuluyan mo na talagang itatago?" casual na tanong ko.

He closed his eyes and sighed.

"Let me explain. But, I'm so sorry honey kung hindi ko agad na sabi sa 'yo," panimula niya.

I crossed my arms and looked at him. Tingin na nagsasabing ipagpatuloy niya kung ano man ang kanyang mga sasabihin na dapat kong malaman.

"Ayokong saktan ka. I don't want to hurt your feelings," aniya na naman.

"Just tell me. Maiintindihan ko nang buo kung sasabihin mo sa akin ang lahat," mahinahon na saad ko sa kanya.

He sighed a bit. Umupo siya sa kanyang swivel chair at tumingin sa akin. Nasa mukha pa rin niya ang takot at kaba.

"Hindi ko alam kung paano ako magsisimula, Honey. But your mommy is not your real mom," panimula niya na siyang ikinatigil ko.

I gasped. Tinitigan ko siya kung seryoso ba ang sinabi niya, pero walang halong biro ang kanyang boses.

"What?" I asked in a low tone.

"She's not your real mom," ulit niya na naman.

"Don't fucking lie to me, Yiem. Hindi ako natutuwa," mariing saad ko.

Inis siyang napahinga. Mukhang hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag.

"I'm not lying, Honey. She's not your real mom. Ang tita mo ang totoong mommy mo," aniya.

I dropped my eyes. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Tanging paghugot nang aking hininga ang nagagagawa ko. Hindi ko alam kung kailangan kong paniwalaan ang kanyang mga sinabi.

Pero... may nagsasabi sa akin na totoo 'yon.

"Nalaman kong nagkaroon ng relasyon ang daddy mo at ang tita mo. Nabuo ka," saad niyang muli.

"Yiem, tell me. This is not true right? Paanong nangyari? I mean..." I said.

Halos hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nagsimula na ring manginig ang mga kamay ko maging ang aking labi dahil sa sobrang gulat. Hindi ako makapaniwala. Gusto kong isiksik sa isip ko na nagsisinungaling lang siya.

But Yiem can't lie to me, ngayon lang pero sinabi niya naman. But I don't want to believe!

Gosh! Paanong si tita ang tunay kong ina? All these years, siya ang mommy ko talaga? Kaya ba gano'n na lang si mommy sa akin? Na parang mas ina ko pa si tita dahil siya naman pala ang tunay kong ina.

"Nagpunta si mommy kanina at may mga sinabi siya. Ito ba ang sinasabi niyang h'wag kang mangialam? Na pati buhay mo ay pinagbantaan niya sa akin," I said to him.

Umigting naman ang kanyang panga dahil sa narinig.

"Sinabi niya?" he asked.

"Yes.... Now, tell me. Ito ba ang sinasabi ni mommy? Ang ibig niyang sabihin?" I asked again.

"No, Lexia. Hindi ito," he answered.

"Kung gano'n. Kung hindi ito ay ano? Sabihin mo sa akin ngayon din ang lahat, Yiem. Ayoko sa lahat ay ang nagsisinungaling sa akin, kaya hangga't hindi pa ako galit ay sabihin mo na agad dahil hindi ako normal magalit," saad ko sa kanya, nagbabanta.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now