Chapter 26

25K 316 17
                                    


Agad sumama ang umaga ko ng makita si mommy sa sofa. Siya agad ang bumungad.

"Ano na naman ang ginagawa ninyo rito? Sinabi ko na sa inyo na h'wag na h'wag na ulit kayong pupunta rito," bungad ko sa kanya.

Taas noo naman siyang tumingin sa akin para umangat ang isang kilay ko.

"Kukumustahin lang naman kita at ang relasyon mo kay Yiem," sagot niya.

"Ayos lang ako dahil wala kayo. Ayos rin naman ang relasyon naming dalawa kaya puwede na kayong umalis. May shoot ako ngayong araw kaya walang kakausap sainyo rito," diretsyang saad ko.

"Ganyan ka na ba talaga ka bastos sa akin, Jennica? I'm still your mom. Hindi ko talaga akalain na may anak akong kayang-kaya akong bastusin ng ganyan. Ghod..." aniya, hindi makapaniwala.

I rolled my eyes. Naartehan lang ako sa sinabi niya.

"Bastos na ba sainyo ito?" tanong ko sa kanya. Her brow furrowed. "Hindi pa ito pambabastos, Mom. Pero kung hindi pa kayo aalis sa harapan ko ay baka mawalan na nga talaga ako ng respeto sainyo," I added.

She look at me. Tingin na nanghuhusga.

"Nagsisisi na ako ngayon na pinalaki kita. Sana ay hinayaan na lang kita. Kung alam ko lang na ganyan ka sa akin. Ang sagot-sagutin mo ako ng walang galang. Hinayaan na lang sana kitang mamatay," aniya na parang wala lang.

May kirot sa dibdib akong naramdaman. Natigilan rin ako ngunit hindi ko pinakita sa kanya.

Hinding-hindi ko ipapakita sa kanyang mahina ako.

"Hindi ko naman hiniling sainyo ang lahat. Kung ano man ang mayroon ako ngayon at kung nasaan ako ngayon ay dahil sa paghihirap ko," matapang na saad ko sa kanya.

She shook her head. Dismayado siyang tumingin sa akin.

"Masyado ka ng nagmamataas sa sarili mo. Wala ka sa kalingkingan ko, Jennica. Hindi pa tayo pantay kaya ayusin mo 'yang pananalita mo dahil mas matanda pa rin ako sa 'yo. Kung makapagsalita ka ay parang hindi kita binuhay, pinakain at inalagaan," aniya.

Napailing lamang ako. Ayaw kong makipagsagutan sa kanya. Marami lang akong masasabing mga salita na talagang hindi niya aasahan.

"H'wag ninyo ng ubusin ang pasensya ko, Mom. Umalis na kayo sa harapan ko ngayon din habang kaya ko pang magpigil," utos ko.

She stood up. Ang pagtayo niya ay puno ng pagmamalaki. Para siyang nagmamalaki sa akin kahit na wala naman akong pakialam.

Alam kong hindi ako ka pantay niya dahil ayaw ko siyang maging ka pantay.

I have my own name. I have my own crown. Hindi ako marunong makishare sa iba kaya hindi ako papantay sa kanya dahil tanging sarili ko lang ang papantayan ko.

"Masyado kang matapang. Matalas talaga ang pananalita mo. Manang mana ka talaga sa pinagmanahan mo," I smirked.

"Kayo ang dahilan kung bakit ganito ako kung magsalita at sumagot sainyo dahil tinuruan ninyo akong h'wag magpa-api. Nakikita ko kung paano kayo makipagsabunutan sa mga babaeng lumalapit kay daddy, kaya thanks talaga sa 'yo at matapang ako. Hindi lang basta matapang." Nagmamalaking saad ko sa kanya habang nakangisi.

Tinitigan niya ako. Elegante siyang tingnan dahil sa mga accessories sa kanyang katawan at sa disenteng pananamit niya.

Mayaman kasi at nakikinabang sa pera ni daddy kaya waldas na lang nang waldas. Bili na lang nang bili ng kung anong gusto niya.

Walang pakialam kung gaano pa ito ka mahal dahil pera naman ni daddy ang ginagamit niya.

"Masyado kayong blooming at elegante ngayong araw. Mukhang nagwaldas na naman kayo ng pera ni daddy," ngising saad ko.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now