Chapter 36

24.1K 296 10
                                    


"Yiem.... Ah-oh!" I moaned.

Mas sinagad niya ang kanyang paglalaki hanggang sa parehas naming maramdaman ang katas ng isa't-isa. He buried his face on my neck. Ramdam na ramdam ko ang malalim niyang paghinga.

"I love you so much, Misis Sollano..." he whispered.

"Hindi pa tayo kasal, h'wag kang ano riyan," I said. He chuckled and kissed my neck. Nakiliti naman ako ginawa niyang paghalik roon.

"Atleast girlfriend na kita. Just wait me to propose. Ayoko kitang madaliin," he said softly.

Napangiti ako. "Girlfriend? Kailan pa? Masyado ka ng delulu, Yiem," I said.

Naramdaman ko ang pag-nguso niya.

"Hindi tayo nag-break ng iwan mo ako kaya girlfriend pa rin kita. Akin ka pa rin, Lexia. Sa akin ka lang..." aniya na ang tono nang boses ay inaangkin ako.

Sa kanya lang naman talaga ako. Ni wala nga akong minahal na iba.

"Thank you, Yiem..." I whispered and carresed his hair. Pinapatakan niya naman ng maliliit na halik ang aking balikat. "Thank you kasi tinanggap mo pa rin ako kahit na anlaki laki nang kasalanan ko sa 'yo lalo na nang pamilya ko sa pamilya mo. I'm sorry kung iniwan na lang kita ng gano'n..." I said.

"Wala kang kasalanan sa kung ano man ang ginawa nila. Labas ka do'n at hindi ako kailanman nagalit sa 'yo," malambing niyang saad.

Buwesit talaga ang Vando na 'yon. Sinabi sa akin na galit na galit raw si Yiem pati sa akin kahit na hindi naman. Siraulo talaga.

Nakadalawang round pa kami bago matulog. Mabuti na lang at busy ang tatlo sa kanilang mga silid.

"Mommy!" boses agad ni Khalil ang aking narinig.

Nakaawang ng bahagya ang kanyang bibig habang nakangiti. Ang kanyang magagandang mga mata at nakatingin sa akin na namamangha.

"What's wrong?" I asked.

"Why are you so pretty, mommy?" namamanghang tanong niya para pagak akong mapatawa.

"Ikaw talagang bata ka. Manang-mana ka sa daddy mo na bolero," I said and pinched his nose.

He pouted. "I'm not bolero, momny. I'm just saying the truth. You're so pretty," aniya at humawak sa labi.

Mukhang tama nga si Kiel na si Khalil ang ka ugali ni Yiem. Mukhang ma-sstress ako sa kanilang dalawa ni Yiem kapag nagsama.

"Nasaan ang mga kapatid mo?" I asked.

"Dunno, mommy," simpleng sagot niya at umupo mag-isa sa upuan.

Agad naman akong sumunod sa kanya. Nakacross na ang kanyang mga braso habang nakatingin sa kung saan.

"Hindi ka ba sumama sa daddy mo?" I asked.

Mamili kasi ito at sinama niya ang triplets. Hindi ko naman alam na hindi sumama si Khalil.

"No po, mommy. Wala kang kasama rito. Baka may bad guy na pumunta dito kaya need na nandito po ako to protect you," sagot niya.

Napangiti ako at lumapit sa kanya. Pinang-gigilan kong halikan ang buong mukha niya na ikinanguso niya lang. Hindi kasi ako sumama. Sabi ko ay bonding na din nilang mag-aama.

"Ikaw talaga. Mahal na mahal mo talaga ang mommy," ngiting saad ko.

"Of course, Mom. I love you so much. Ikaw ang the best na mother in the world," malawak na ngiting saad niya.

Bahagya kong ginulo ang kanyang buhok.

"I love you too, baby. Magluluto na muna si mommy para pagdating nila ay sabay-sabay tayong kumain," I said.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now