Chapter 27

23.1K 278 28
                                    


Pinakalma ko siya. Malalim ang kanyang paghinga habang nakayakap sa aking likuran. Ang kanyang mukha ay nasa aking leeg kaya ramdam ko ang paghinga niya.

"I'm fucking scared, Lexia. Takot na takot ako kanina. Muntik na akong mag-panic," mariing bulong niya.

"I'm sorry," tanging nasabi ko na naman.

"Please, Honey... H'wag mo naman akong pagalalahanin ng ganito. Sa 'yo ako mamamatay ng maaga," aniya.

I stop myself to laugh. Hindi talaga mawawala sa kanya ang gano'n.

"Kakausapin ko mamaya si tita. Mukhang sinadya niya kasi ang nangyari," saad ko.

He sighed. "Mukha nga." Sang-ayon nila.

Kita naman ng lahat kung sinadya niya ba talaga o hindi. Pero halatang sinadya niya base sa nangyari kanina. Umurong siya na wala naman sa script para ako 'yong malaglag at hindi siya.

"Sasampalin ko siya mamaya," saad ko sa kanya.

"Sige lang," sang-ayon niya na naman.

"Sasabunutan ko rin siya,"

"Sige lang..." sagot niya na naman.

"Hindi ka magagalit?" I asked.

He glanced at me. "Bakit ako magagalit?" he asked.

"Kasi... sasampalin at sasabunutan ko siya..." I answered.

"Mas gusto ko ang lumalaban ka kaysa ang hahayaan mo lang na apihin ka. Mas gusto ko 'yon," he said.

I smiled.

"Hindi lang ako sa spoiled sa mga gusto kong bilhin. Pati dito," I said.

"Nag-alala pa rin ako," aniya.

I pouted my lips a bit.

"Hindi ko naman alam na mangyayari 'yon. Buwesit talaga ang babaeng 'yon. May kalalagyan siya sa akin mamaya," gigil na saad ko.

Masama ang tingin sa kung saan.

"I'll support," sagot ni Yiem.

"Sorry," mahinang saad ko sa kanya.

Hinapit niya ang baywang ko para mapalapit ako sa kanya. Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo kaya sumandal ako sa bandang dibdib niya.

"Sobrang nag-alala ako, Honey. Takot na takot ako kanina. Akala ko ay hindi kita masasalo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling makita kang nakahadusay sa malamig na sahig na 'yon habang umaagos ang dugo sa 'yo. Shit," he said.

Napapikit ako at niyakap ang aking mga braso sa kanyang baywang at mas sumiksik pa sa kanya. Naramdaman ko rik na humigpit ang kanyang yakap habang ilang ulit na hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"A-akala ko rin, Yiem... Akala ko ay tuluyan na akong duguan kanina..." I said in a low tone.

Humiwalay siya sa akin. Agad niya akong binuhat kaya yumakap ang mga braso ko sa kanyang leeg maging ang mga binti ko sa kanyang baywang.

Naglakad siya papunta sa sofa. Nakaupo ako ngayon sa kandungan niya paharap.

"Mamamatay ako ng maaga kung sakaling may nangyaring hindi maganda sa 'yo. Aanakan pa kita ng marami," he said.

"Yiem..." ungot ko.

Hindi talaga mawawala sa kanya ang ibang salita kapag nag-u-usap kami. Isisingit at isisingit niya talaga ang pagiging pilyo niya.

"Aanakan talaga kita ng marami. Hindi puwedeng isa lang," aniya.

I rolled my eyes.

"Sabi mo mahirap manganak. Tapos ngayon ay gusto mo ng marami. Baliw ka din talaga minsan," saad ko.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now