Chapter 24

24.7K 309 11
                                    


"Tita, punta lang po ako sa Sollano company," sabi ko kay tita.

"Kay Yiem ba?" she asked.

Tumango ako habang inaayos ang aking sling bag.

"Yes po," magalang na sagot ko.

"Mabuti naman. May tiwala ako sa lalaking 'yon. He's a nice man." Napangiti ako sa sinabi niya.

Hindi nagkakamali si tita dahil talagang higit pa sa salitang nice man si Yiem.

"H'wag mo na pakawalan 'yang si, Yiem. Suwerte ka na sa lalaking 'yan. Nagpapaalam pa sa akin kapag gusto kang i-date." Natawa ako ng mahina.

Nasabi niya na sa akin ng ilang beses na nagpapaalam pa sa kanya si Yiem kapag magda-date kami.

"Nako talaga. May pagka-abnormal talaga ang lalaking 'yon," she chuckled.

"Mahal na mahal ka naman. Nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang pagmamahal sa 'yo. Boto ako sa kanya," she said.

I pouted my lips a bit.

"Mukhang nakuha niya na ang loob ninyo tita, ah. Galing talagang mang-uto ng lalaking 'yon." Natawa siya sa sinabi ko.

"Nakuha niya na talaga. Ang dami ba namang sinabi sa akin. Kesyo pakakasalan ka raw niya sa iba't-ibang mga simbahan at kung ano pa ang mga klase ng kasal ang gusto mo. Magkaka-anak raw kayo ng marami."

Parehas na lang kaming natawa. Napailing na lang din ako habang nagku-kuwento si tita.

"Alam mo pa ba ang pinakamalalang sinabi?" she asked.

"No po," she chuckled.

"Ang kasal ninyo daw ay malalaman ng buong mundo para walang lalaking magtangkang lumapit sa 'yo," I laughed.

What the heck... Ang lalaking 'yon talaga. Masyadong marami na pala ang nasasabi kay tita na kung ano-ano.

"Mukhang tinamaan nga talaga ang Sollanong 'yon sa 'yo," aniya pa.

I smiled. "Baliw na baliw po sa akin. Halos future niya na agad ang iniisip niya. Siguradong-sigurado na raw siya sa akin," I said.

She smiled sweetly and carresed my hair.

"Alam kong mamahalin ka ng lalaking 'yon ng higit pa sa sarili niya, kaya sana ay h'wag mo ng pakawalan dahil bihira lang ang lalaking kagaya niya," mahinahon na pagkakasabi niya.

"Ramdam ko naman po tita na mahal ako ni Yiem. Walang araw na hindi niya pinaramdam sa akin," I said softly.

"Nakikita ko sa mga mata ng lalaking 'yon kung gaano ka niya talaga ka mahal. Na parang ikaw lang ang babaeng nais niyang makasama habang buhay. Mahal na mahal ka niya, anak. Don't hurt him, okay?" I nodded.

"Mahal ko rin naman po si Yiem. Sobrang suwerte ko po talaga sa kanya. Hindi ko alam kung paanong nasa ganito na kami," magalang na sagot ko kay tita.

"Mabuti naman. Akala ko naman ay paasahin mo lang ang binatang 'yon. Mahal na mahal ka, e."

Natawa na lang kami parehas ni tita. Ramdam ko ang support niya kay Yiem para sa akin.

Bihira kasi magtiwala si tita sa mga lalaki lalo na pagdating sa akin kaya thankful ako na tanggap niya si Yiem.

Kahit na may pagka-abnormal ang lalaking 'yon.

"Una na po ako, tita." Paalam ko.

Hinalikan ko muna siya sa pisnge at gano'n rin ang ginawa niya sa akin. I waved my hands on her. Agad ko ring sinuot ang aking sunglasses pagkatapos.

"Ms. Jennica!" sigaw agad ng mga reporters.

Hindi ko maiwasan na mapairap. Mabuti na lang at may mga bodyguard na agad humarang sa akin.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now