Chapter 42

22.7K 263 0
                                    


"She's crying! Kung alam mo lang kung gaano kasakit sa akin na makitang umiiyak ang baby ko," naiinis na saad ni Yiem na napasambunot pa sa kanyang buhok.

Parehas kaming natawa ni Yiem.

"Oh, pumayag ka naman. Atsaka okay na 'yan dahil successful naman kaya wala ka nang dapat ipag-alala," ngising saad ni Yiem.

Masamang tumingin si Yleo sa kanya.

"Hindi ako natuwa. Umiyak siya, e! Buti na lang at nagpaliwanag ako," aniya at umiling.

I chuckled. Kinuwento niya kasi sa amin na nakita ni Solana ang polo niyang may bakas nang lipstick kaya inakala ni Solana ba may babae si Yleo pero aking labi lang naman 'yon. Sina Yiem ang nag-isip. Sinuot niya ang polo ni Yleo at ako naman ang nag-iwan nang marka sa polo para iba ang maisip ni Solana.

I'm happy for Solana. She deserve everything. She deserve Yleo and Yleo deserve her. They deserve each other. Nakita ko kung paano talaga nila mahalin ang isa't-isa lalo na si Yleo na talagang handang magpakamatay o mamatay para lang maprotektahan si Solana. Nung nakita ko siyang nakasuot nang wedding gown. Sobrang saya ko kasi kahit na sa maikling panahon na nagkakilala kami ay mahal na mahal ko na agad siya. Kapatid na agad ang turing ko sa kanya. Para akong ate na sobrang saya para sa kanya. I'm crying while watching her pero ayokong ipahalata sa kanila.

And Celesta and Yielo, deserve din nila ang isa't-isa. Gano'n din sina Yannie at Yasser.

Kapatid na ang turing ko sa kanila. Hindi basta kaibigan lang. Sapat nang sila ang mga kasama ko.

"May aaminin ako..." sad ko sa kanila.

"Share," sagot naman ni Celesta.

Napalunok ako at napahinga. Grabe ang kabang nararamdaman ko. Gusto kong sabihin sa kanila kaya naglakas loob na talaga ako.

"May anak kami ni Yiem..." mahinang sabi ko.

Natigilan silang dalawa. Nagkatinginan pa kaya napahinga na naman ako bago magsalita.

"Triplets... tinago ko sa kanya. Limang taon," I said again.

Parehas silang tumingin sa akin na ang mga mata ay nagsasabi na ituloy ko ang aking sasabihin.

"Hindi pa ako handa na ipakilala ang triplets sa mga magulang at mga kapatid niya kaya sinabi ko sa kanya na h'wag muna... He respect my decision... pero naisip kong kailangan na din nila malaman," I sighed.

Kahit paano ay guminhawa ang nararamdaman ko dahil nasabi ko na sa kanilang dalawa. Kailangan ko na lang sabihin kina Tita Fely at Tito Yieler. Hindi ko alam ang magiging reaksyon nila. At tanggap ko kung ano ang magiging reaksyon nila.

Kung galit sila ay tanggap ko kasi hindi ko lang kay Yiem tinago na may mga anak kami kundi sa kanila rin kaya naiintindihan ko kung magagalit sila.

"Hindi siya nagalit," I chuckled. "Sobrang naintindihan niya. Inamin ko sa kanya ang lahat pero wala akong natanggap sa kanyang kahit na anong masakit na salita," I added.

My eyes got teary. Wala akong masabi sa pagiging understanding ni Yiem. Noong kami hanggang sa bumalik ako ay hindi man lang siya nagalit sa akin. Ni sinigawan ako sa galit kahit na naiirita na ako sa kanya. Kahit na pinapakita ko na sa kanya ang sama nang ugali ko.

"He's Sollano," saad naman bigla ni Celesta.

"Ipapakilala ko na ang triplets," I said.

Hinawakan ni Solana ang kamay ko kaya napatingin ako roon. She smiled at me a bit. Nangilid naman ang gilid nang mga mata ko.

"Maiintindihan nila, Jen. Maiintindihan nila..." I smiled at Solana.

"Hug! Walang iiyak ngayon!" sigaw ni Celesta kaya natawa na lang kami dahil sa gulat.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now