Chapter 17

28.6K 352 10
                                    


Masama ang tingin ko kay Vando habang ginagamot siya.

"Gaga ka. 'Yan ang napapala mo." Sermon ko sa kanya na tinawanan niya lang.

"Grabe, ang sakit manapak ng bebe Yiem mo!" Malanding aniya.

I rolled my eyes. Napatingin ako kay Yiem na masama ang tingin kay Vando.

Ayaw niya sanang gamutin ko si Yiem dahil h'wag ko na raw gamutin. Nagtalo pa kaming dalawa pero sa huli ay siya lang ang talo.

Hindi naman kasi ako papatalo sa kanya.

Alam ko rin naman na inaasar siya ni Vando na putok ngayon ang labi dahil ang lakas siguro talagang manapak ni Yiem.

"Kung nakakamatay lang ang tingin ay pinaglamayan na ako ngayon dahil sa tingin ng bebe mo," ani ni Vando.

I chuckled. Napadaing siya ng idiin ko ang bulak sa kanyang labi.

"Ginalit mo kaya 'yan ang nangyari sa 'yo."

"Mas masaya kung makita ko siyang magalit kapag horny siya dahil nag-dirty talk siya," aniya.

Napailing ako. Mabuti na lang at malayo sa amin si Yiem dahil sinadya ko talaga.

I glanced at him first bago ako bumalik sa tabi ni Vando.

"Mas lalong mahirap magalit ang isang Yiem pagdating sa kama. Do'n mas maikli ang pasensya niya. Dirty talk," I whispered my last sentence.

Parehas kaming mahinang natawa para mas lalong naging masama ang tingin ni Yiem.

Napailing ako.

"Pero seryoso, ano na bang namamagitan sainyong dalawa?" he asked.

Napaisip naman ako. Itinaas ko ang mga paa ko sa lamesa.

"Sabi niya mahal niya raw ako," sagot ko.

"Ikaw ba, ano bang nararamdaman mo sa kanya?" he asked again.

Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang aking buhok at pasimpleng tiningnan si Yiem na masama pa rin ang tingin sa aming dalawa.

"May feelings ako sa kanya... hindi lang gaanong kalalim kagaya pa ng sa kanya," I answered honestly.

Hindi ko itatanggi na may nararamdaman na ako kay Yiem, pero hindi pa taaga 'yong sobrang lalim. 'Yong mahal na. Gano'n!

"May chance ba siya?" he asked again.

"Hindi ko naman 'yan papayagan kung walang chance,"

Hindi ko rin 'yan papayagan na halikan at haplusin ang bawat ng parte ko kung wala lang.

Gusto kong idugtong 'yan sasabihin ko pero hindi na lang dahil iba ang isip ni Vando.

Baka sabihin niya ay lust and desire lang ang nararamdaman ko.

"Sa akin, Jennica. Sa totoo lang, nakikita ko na totoo talaga ang nararamdaman ni Yiem sa 'yo. Kung paano niya ako suntukin kanina at sabihin ang mga bagay na 'yon ay masasabi kong totoo nga talaga ang nararamdaman niya para sa 'yo," mahabang lintanya niya.

"Nararamdaman ko naman 'yon, Vando, pero ayaw ko mo nang madaliin lalo na at hindi pa ako sigurado. Kapag malalim na ang nararamdaman ko ay do'n ko na talaga ipu-push," I explained.

Ayokong magkamali. Hindi pa ako nakikipagrelasyon. Nakikipaglandian lang ako pero hindi nakikipaghalikan.

Tanging siya lang ang lalaking hinayaan kong halikan, haplusin at angkinin ako.

"Ikaw bahala, pero sana h'wag mo lang paasahin 'yan. Mukhang baliw na baliw talaga sa 'yo," saad nito at umismid.

"Tapos na kayo?" seryosong tanong ng kalalapit lang na si Yiem.

I Don't Share (Sollano Brothers #3)Where stories live. Discover now