"Ma, punta lang po ako kela Bia"
Napatigil si mama sa kanyang ginagawa at napatingin sakin.
"Naku Aya! Yung pawis mo na naman mamaya!" Saway ni mama at namewang pa ito.
I gave her the sweetest smile I could give. Alam kong hindi niya yun matitiis.
She giggled before walking towards me and knelt, just enough to level me. She kissed my forehead.
"Sige pero ano nga muna yung rules paglalabas si Aya ng bahay?" She asked and I pursed my lips while remembering.
I closed one of my hands bago tumingin ulit kay mama.
"There are three rules kung lalabas ng bahay si Aya" I cited.
"Rule no. 1, wag magpapagabi ng uwi. Bago dumilim ay dapat nakauwi na si Aya." I lifted my index finger.
"Rule no. 2, wag na pumunta kung saan-saan especially sa mga lugar na madidilim at walang tao." I lifted my middle finger.
"And lastly, Rule no. 3. Don't talk to strangers." I now lifted my ring finger.
Sa lugar namin dito, mostly kakilala naman namin ni mama ang lahat. Kaya kung may makita akong bago sa mata ko, na madalang lang mangyari, iniiwasan ko agad.
Sabi kasi ni mama, kung may nakita akong tao na bago lang sa paningin ko ay mabuting iwasan ko muna. Hindi ko pa daw kasi siya kilala at hindi ko alam kung mabuti ba siya o masama. Mas mabuti na daw na maging aware at safe.
"Good girl naman ng Aya ko" I scrunched my nose ng pinisil niya ang magkabilang pisngi ko.
"Oh siya sige, ingat ka Aya ha. I love you"
"I love you too mama" I kissed both of her cheeks bago lumabas ng bahay.
Dumaan muna ako sa bakuran para kunin yung bola ng volleyball ko. Nalimutan ko kasing ipasok sa loob ng bahay kahapon matapos kaming maglaro ni Bia.
Nakita ko yung bola sa ilalim ng puno ng mangga. Kaagad akong tumakbo papunta doon para kunin ang bola.
Actually, wala talaga akong hilig sa volleyball noon pero matapos akong makapanood ng laro sa TV noong nakaraang buwan, nagpabili agad ako kay mama ng bola. Ang cool kasi tignan ng mga naglalaro.
To be honest, masakit yung bola pagtumama sa braso ng paulit-ulit kaya napapaisip nalang ako minsan kung paano natitiis ng mga volleyball players yung sakit. Siguro dahil bata pa ako at maliliit palang ang mga braso ko kaya ganun? Pero kahit bata palang ako siguro mas doble yung sakit na nakukuha nila kasi malalaki na sila diba? Mas grabe na yung mga pwersa nila tuwing iniispike yung bola. Katakot naman kung iisipin pero kahit ganun, gusto ko pa rin pag-aralan maglaro.
Bukod kay Bia, meron rin naman akong iba pang mga kaibigan pero mas kaclose ko si Bia sa lahat. Mula day-care hanggang ngayong elementary ay magkaklase kami lagi. Magkaibigan rin si Mama tsaka Tita Elizabeth, yung mama ni Bia.
Bago lumakad ulit matapos kong damputin ang bola ay napatigil muna ako at napatingin sa dagat.
Hapon na pero grabe pa rin yung sikat ng araw. Hindi na ganun kahapdi ang init na katulad kaninang umaga. Kahit mainit ay malamig ang simoy ng hangin at kahit hindi ako ganun kalapit sa dagat ngayon ay naaamoy ko pa rin yung tubig.
Total summer naman ngayon, ayain ko kaya si Bia na maligo sa dagat bukas? Kahit kasi sa likod lang ng bahay namin ang dagat, madalang lang akong pumupunta roon kasi takot ako.
Paano kung biglang may mag appear na shark doon tapos kagatin o kainin ako? O di kaya, paano kung may jellyfish dun at mapoison ako? Sabi ni teacher poisonous daw yung ibang jellyfish.
YOU ARE READING
Memories Beneath The Shore
Romance"No matter how many times the waves erase the footprints we've made, I'm still willing to make new footprints with you." Cover not mine, CTTRO.