Chapter 10

76 5 0
                                    

Napagdesisyonan naming sa bahay nalang mag group study. We agreed na before lunch nalang since may liga si Kael ngayong araw kaya hihintayin nalang namin. Meanwhile, si Bia naman ay nanood din ng liga.

Obviously, not because of Kael. Hinding hindi nga magtatangka yun na tignan ng kahit isang beses lang si Kael especially dahil nandoon si Tres. All of her attention hanggang matapos ang laro ay na kay Tres lang panigurado.

Sa liga ngayon, magkalaban yung La Rosa tsaka San Reniego, yung kabilang bayan. Magkalaban yung grupo ni Kael tsaka ni Tres but knowing Bia, alam kong kay Tres yun todo supporta kahit sila yung kalaban ng bayan namin.

Tres is just the same age as us. Grade 12 din but he's an ABM student. Naging classmate rin naman namin siya one time back when we were grade 8 and then never again. Public school things siguro? Hindi lahat permanent classmate mo, yung iba lang.

Ipinahid ko ang hawak na brush sa puting pinta bago inayos ang mga ulap sa painting na ginagawa ko. Nasa bakuran ako ngayon ng bahay dahil napag-isipan kong magpinta muna dahil sa kawalan ng gagawin. Ayoko namang maunang mag-aral, magtatampo lang si Bia sakin.

The cold wind blew. My hair suddenly became messy because of the wind. Inilapag ko muna ang hawak na pallette tsaka itinali ang buhok bago pinagpatuloy ang ginawa.

Napatingin ako sa dagat, it's my reference. It's still as peaceful as usual. The clear water, the white sand, the definition of perfection.
Wala rin gaanong makikitang mga batang naliligo dahil tirik na tirik pa rin ang araw.

"It looks real" someone from my back said.

I turned around to look and then I saw Keiran. He looks so good on his beige shorts, white shirt, and light blue polo. Porma palang nangangamoy city boy na. Bakit kung iba yung pumorma ng ganito, hindi ganito ka gwapo?

But then again, he's too early to be here ha or hindi ko na naman ba napansin ang oras?

"Tanghali na ba?" I asked.

He shook his head and walked towards me. "Kaka 11 palang. Nagchat nga ako sayo na pupunta ako dito ng maaga but you didn't reply. Now I know the reason why"

"Hala weh?"

I rushed to check my cellphone and Keiran was right. Chinat nga niya ako kanina pa. 5 unread messages from him.

Keiran Samaniego:

8:39 am

Pwede ba akong pumunta dyan ngayon ng maaga?

Keiran Samaniego:

8:42 am

I'm bored. Wala rin akong magawa dito.

Keiran Samaniego:

9:15 am

Aya? Nanonood ka ba ng liga?

Keiran Samaniego:

9:32 am

Tulog ka pa rin ba?

Keiran Samaniego:

10:00 am

Patay ka na ba?

Napatawa ako sa huling chat niya bago binalik ang tingin sa kanya. Nasa gilid ko na ito ngayon habang ang dalawang kamay niya ay nasa parehong bulsa. I gave him an apologetic smile.

"Sorry, Keir. Masyado akong nawili kaya hindi ko napansin na nagchat ka pala"

"It's fine" tanging sabi niya.

Memories Beneath The ShoreWhere stories live. Discover now