Chapter 4

74 3 0
                                    

"We meet again, Aya"

I shook my head as his words keeps repeating on my mind.

What does that mean? We meet again after what happened during the enrollment day? Ganun na ba yung galit niya sakin dahil sa ginawa ko? To threaten me that much?? Seryoso!? Kailangan talaga i-corner ako sa wall!?

But why is he looking at me like that?? He even smirked at me pa!

May nakakatawa ba sa mukha ko? O di kaya ay may plano ba siyang gawin sakin? Is he planning to get his revenge? Is he looking down at me!?

Napahawak ako ng ulo ko at patuloy na umiling.

Is there another meaning sa sinabi niya kanina? May part kasi na nagsasabi sakin na may iba pa siyang pinapahiwatig.

I shook my head again as his face popped up in my mind. I slapped myself. Aray.

Nakakainis! What's with that look? Bakit ba kailangan niya akong tignan ng ganun? Nalaman niya bang naga-gwapuhan ako sa kanya kaya he took advantage of it? Was I too obvious? I just praised him lang naman in my mind.

Is he a playboy ba? Gusto niya akong paglaruan dahil alam niyang nagwagwapuhan ako sa kanya?

"Ate Aya, spiking drills na raw po sabi ni coach." Sabi ni Kath at tinanguan ko naman ito.

"Sunod ako" I smiled.

Napatingin ako sa cellphone ko ng oras at pasado alas tres palang. 5:30 pa ang uwi ko dahil sa practice.

I stood up and looked around. Bukod sa players, may ibang estudyanteng nasa loob ng gym ngayon at nanonood samin.

Dalawa ang gym ng school na to. Yung isa sa kabilang dulo ng football field, yun yung para sa basketball players. Ang gym naman na para saming volleyball players ay yung nasa opposite na kabilang dulo rin ng football field.

Sa gym na para sa volleyball players, nahati ito sa dalawa. Yung kabilang side ay para sa girls, yung kabila naman ay para sa boys.

Napatingin ako sa banda ng mga boys. Mukhang kakatapos lang din nila sa sarili nilang drills. Lahat sila ay puno na ng pawis at pare parehong malalalim ang paghinga.

There's a total of 12 players sa volleyball girls- 13 kung pati ako. Si Kath kanina, a grade 11 student, siya yung official captain this year.

Nag-uumpisa ng dumilim ang langit. Bukod sa mga players, wala na masyadong estudyante sa loob ng school. Nauna na ring umuwi si Bia matapos siyang magpa-alam sa akin kanina, magkasabay sila ni mama.

Dinala ni Bia yung bag ko kanina kaya hindi ko na kailangang bumalik pa sa room. Ewan ko nga kung kakayanin ko pang umakyat ng 4th floor sa lagay kong to. My legs feels so numb, ilang buwan ba namang bakasyon at walang practice.

Pumunta akong girls lavatory para magpalit ng t-shirt dahil basang basa na ako ng pawis. Sumabay na rin sa aking magbihis ang ibang players samantalang ang iba ay dumiretso na agad ng uwi.

"Una na ko. Ingat kayo sa pag-uwi ha" Sabi ko matapos ilagay ang t-shirt sa dalang tote bag.

"Sige po ate Aya. Ingat ka rin po" they waved at me and I waved back.

Sa team, ako lang yung natitirang grade 12 kahit for practice purposes lang naman. Iilan lang din ang grade 11 at halos lahat ay grade 10. Meron ring dalawang grade 9 at isang grade 8.

Napatingin ako sa football field at mukhang hindi pa sila tapos dahil patuloy pa rin sila sa paglalaro. Hindi na rin naman bago. Kadalasan kasi, talagang gabi na umuwi ang mga football players namin.

Memories Beneath The ShoreWhere stories live. Discover now