"You were not replying to my chats. Did anything happened? I was worried to the core, Aya"
I felt like my world stopped for a second. Bigla ko nalang nakalimutan yung inis na kinikimkim ko mula kagabi. Bakit? Bakit ka ganito, Keiran? Am I someone that worthy to be worried this much?
"Bakit?"
He arched his eyebrows. Mukhang naguguluhan sa tinanong ko.
"Bakit ganito ka nalang kung mag-alala sakin lagi?"
Hindi ako nito muna sinagot. He paused and he stopped looking at me. Mukhang nahihirapan ito sa kung ano ang isasagot. He swallowed hard.
"Kasi kaibigan kita" he answered after a while.
"So, is there anything wrong, Aya?" Tanong niya ulit na ngayon ay ibinalik na ang tingin niya sakin.
I looked away to avoid his gaze. I could feel my heart throbbing and it feels so heavy. Hindi ko nakuha ang sagot na gusto kong makuha sa kanya. Hindi iyon ang sagot na gusto kong marinig pero baka nga mali lang talaga ang akala ko. Baka nga ako lang talaga ang may gusto sa kanya.
"Wala" I mumbled.
Ilang klase na ang natapos at pinilit ko namang makinig pero masyadong hindi makapag-isip ng tama ang utak ko. His words kept circling around my mind. Tama nga ang akala kong kaibigan lang talaga ang tingin niya sakin.
Get a grip, Aya. You're not expecting naman na gusto ka rin niya from the start, right? O hindi ba talaga? Pero okay naman sayo noong hindi mo pa nilalagyan ng malisya yung mga ginagawa ni Keiran diba?
All of those were just friendly acts but honestly- there's a part of me who hoped that his actions meant something.
"Tara na? Inaantay na raw tayo ni Kael sa canteen" Pag-aaya ni Keiran and for the first time ever, I refused.
"Sasabay ako kay mama ngayon na maglunch" Pagdadahilan ko.
I lied. Palusot ko lang yun. I don't want to face him yet. I just want to freshen my mind at the mean time. Alam kong wala siyang ginawang mali. Kasalanan ko yun kasi nilagyan ko ng malisya ang mga ginagawa niya. It's my fault for liking him and expecting something in return.
I didn't wait for his response. Nagmadali nalang akong lumabas ng kwarto, making sure na hindi niya ako masundan.
I stomped my feet because of irritation. Kanina pa kasi ako paikot-ikot dito sa campus pero hindi ko man lang alam kung saan ako pupunta.
Masyadong mainit para tumambay sa field. Hindi rin pwede sa library kasi baka makatulog lang ako at hindi ko mamalayan ang oras. At mas lalong hindi pwede sa canteen kasi nandon siya.
I tried to smile and gave a small wave to Kino when he walked passed by me pero hindi man lang ako nito nilingon. I sighed.
My eyes followed him until he completely vanished in my sight. Hindi pa rin kami okay sa hindi ko malamang dahilan. He was never like this before. He suddenly changed when I met Keiran.
My face suddenly lit up when I remembered a place na tinatambayan ng mga estudyante dito. Konti lang ang may alam nun and maybe you wonder kung bakit ako kasama sa konting may alam nun? Tinuro ni Kino ang lugar na yun sakin noon.
Nasa likod ng highschool department and daan papunta roon. Medyo masikot nga lang kasi kakahoyan na tsaka sabi pa ni Kino, daan din daw to kung gusto mong patagong lumabas ng school.
A few minutes of walking ay nakarating na ako doon. It's still peaceful tulad ng dati. The stone benches and stone tables are still there pero yung iba ay sira na. I roamed my eyes around to check if may iba pa bang estudyante doon. I suddenly stopped when I saw a familiar student.
YOU ARE READING
Memories Beneath The Shore
Romance"No matter how many times the waves erase the footprints we've made, I'm still willing to make new footprints with you." Cover not mine, CTTRO.