"Ano nga? Kamusta yung date?" Bia asked for the nth time while pointing at Keiran.
Kanina pa niya ako kinukulit. Simula kaninang pagsakay sa bus hanggang pagdating dito sa school, hindi niya ako tinigilan kakatanong kung kamusta raw kamo yung date.
Anong isasagot ko? It's not even a date in the first place! Sinamahan lang ako ni Keiran. That's all.
Nakita niya lang kami ni Keiran na magkasama kahapon, date na agad?! Hindi ba niya man lang ako tatanungin kung bakit kami magkasama in the first place? Bigla nalang siyang nagjump into the conclusion na date na yun?
FYI, hindi ko ginustong samahan niya ako. Si Keiran mismo yung nag-insist na sumama.
Yan yung problema kay Bia. Nilalagyan niya ng meaning ang mga bagay bagay tapos afterwards, masasaktan lang pagnalaman niya yung totoo.
She thinks too much! Dumadating talaga sa punto na lalabas bigla yung delusional self niya. Gosh Bia! Tumigil ka na kakawattpad and kdrama please. Masyado ka ng masakit sa ulo.
"Ano na kasi? Atat na atat na ko malaman oh! Sabi pa ni Tita sakin kagabi may pa 'si Tita Alice' reason ka pang nalalaman, magkasama naman kayo ni Keiran buong maghapon tapos hinatid ka pa raw pauwi"
Now, hindi ko na napigilang mapatingin sa kanya. Her smile became wider when she finally caught my attention. Nasa harapan ko siya ngayon. Inilagay niya ang magkabilang braso sa desk ko before leaning forward a little towards me.
"Kita pa nga raw ni Tita na bago ka tuluyang makapasok sa bahay niyo, inabutan ka pa daw ni Keiran ng isang supot tapos yung laman ay 2 Liter na ice cream"
I can't believe it! Pinagchichismisan ako ng sarili kong mama at kaibigan! Sila pa talaga out of all people.
I glaced at Keiran. Nagbabasa ito ng libro pero as usual, nagbabasa habang suot ang headphone. Paano niya nagawang magfocus sa ganoong paraan?
About that ice cream. I can only remember him asking me what's my favorite ice cream flavor tapos nagulat nalang ako na inabutan niya ako nun! I saw him buying one kasi dumaan kami sa seven eleven but I didn't expect na para sa akin pala yun.
When I asked him why, sagot niya lang is wala lang and then he smiled! So ano yun? Hindi naman pwedeng hindi ko tanggapin, baka kasi isipin niyang nilalagyan ko ng malisya kaya ayoko tanggapin. Magmumukha pa akong masama.
Well I guess, thank you nalang? He bought me my favorite flavor na ice cream kasi.
I sighed before looking at Bia. "It's not a date. Ilang beses na kitang sinagot kanina pero ayaw mong maniwala. Sinamahan niya lang ako, yun lang yun."
"Aysus. Ganun pa rin yun!"
I rolled my eyes. See? Ayaw maniwala sakin! What's the point of explaining pa? Nagsasayang lang ako ng laway sa kanya.
"Manahimik ka nalang please. Hindi ako makafocus" Ani ko bago binalik ang tingin sa libro.
There's a possibility na may quiz kami later but I couldn't focus simula pa kanina kasi patuloy akong kinukulit ni Bia. I'm just reviewing lang naman since pinag-aralan ko to kagabi but still.
Kung nag-aral nalang kaya siya edi sana matataas mga scores niya lagi. Hindi yung score na kumakapit lang. She's the opposite kasi, inuuna lagi yung chismis. May pa enjoy life, wag magpastress sa acads pa siyang nalalaman.
Just like what I expected. Nagkaquiz nga kami. Knowing Mr. Quizon pa naman, mahilig siyang magpasurprise quiz lagi which is nakakainis din minsan to be honest but good thing at nasanay na rin naman ako.
YOU ARE READING
Memories Beneath The Shore
Romance"No matter how many times the waves erase the footprints we've made, I'm still willing to make new footprints with you." Cover not mine, CTTRO.