Chapter 3

76 4 0
                                    

"Baka STEM tsaka kapwa niya STEM din ang para sa isa't isa, diba Aya?" Bia whispered at me. I gritted my teeth.

Akala ko ba para sa ABM? Ang bilis naman atang magbago ng isip mo, Fabiana.

Nakaupo kami sa parehong row kung saan nakaupo rin yung lalaki. Just like kanina, panay pa rin ang pabalik balik na tingin ng mga babae sa kanya, kasama na doon si Bia.

Bia looked at him once again while biting her lips, trying her best to stop from smiling.

"Lucky me mami" Ani Bia.

I glanced at the guy. His eyes are still focused on his phone. Ni hindi ko man lang siya nakita na lumingon sa paligid niya mula kanina. Hindi niya ba nararamdaman na pinagtitignan siya ng lahat?

It was 7:30 am nang pumasok ang class adviser namin sa room. She's a new teacher sa school na to. She looks young, I guess nasa 25 siguro? Dahil na rin bago lang siya, she asked us to introduce ourselves.

Well, everyone in class except sa transferee ay kilala ko naman. They're my classmates lang din naman last year.

It's now Bia's turn to introduce herself.

"Fabiana Elouise Lopez but you can call me Bia naman or Love. Just choose between the two"

Ang dami pa niyang sinabi. Her hobbies, her future course, her motto in life at tsaka kung paano siya napadpad sa STEM.

"Noong enrollment kasi, Miss, last year, nakita ko lang naman na STEM yung strand na inilagay ni Aya sa form kaya nilagay ko sakin is BRANCH tapos pinagalitan ako ng registrar. Hindi ko naman kasi alam na may strand² pala sa senior high"

Nang matapos si Bia, tumayo na ako at pumunta sa harap. I smiled at Ms. Cruz bago humarap sa lahat.

"Good morning everyone, I'm Shannea Aiyannah Rhianne Sollente, currently 17"

Few more students introduced their selves pagkatapos ko. Few more students until it's finally his turn.

Tumayo siya at lumakad papuntang harapan. Bawat yapak na binibitawan niya ay sinusundan naman ng tingin ng halos lahat sa loob ng room.

He's tall, mestizo, matangos ang ilong, may pagkasingkit and most of all, mukhang mayaman. Siya yung napaka intimidating tignan but I can sense na may tinatago siyang soft side. Sino ba naman kasi yung walang soft side?

"Nginingiti mo dyan?" Bia teased.

Napakurap ako. "Ako?"

I'm smiling?

She sneered bago binalik ang tingin sa lalaki. Napatingin din ako sa harap.

Well, siguro nga hindi ko mapigilan ang pagngiti. I mean, look at him! I can't help myself but to admire him. He looks perfect.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at umiling.

Yes, he looks perfect pero sabi nga nila diba, don't judge the book by its cover. WAKE UP, AYA!

Malay natin, kahit mukha siyang greek god ay mabaho pala hininga niyan? Who knows?

I glanced at Bia na konti nalang ay tutulo na ang laway niya kakatingin sa lalaking nasa harap.

"Terrence Keiran Samaniego. Nice meeting you all" tanging sabi niya bago bumalik sa kinauupuan.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makaupo. One of my classmates stood up to introduce his self pero parang walang nakikinig sa kanya. Iba't ibang bulungan ang nag-umpisa matapos magsalita yung si Keiran but he's just acting like parang wala siyang naririnig.

Memories Beneath The ShoreWhere stories live. Discover now