Chapter 11

69 6 0
                                    

"Hayyyy natapos din sa wakas! Ang sakit sakit na talaga ng likod ko!" Pagrereklamo ni Bia.

Naglalakad kaming tatlo ngayon sa hallway papuntang school field. Doon nalang namin napagdesisyonang kumain dahil puno na ang canteen.

Madami kaming nakakasalubong na estudyanteng panay ang hindi maalis alis na tingin kay Keiran. Marami ring nagbubulungan at ang karamihan rin ay mukhang kinikilig.

Last day of examination din pala ngayon. Supposedly half day lang pag last day but ginawang whole day yung klase ngayon dahil may match game yung football team.

Speaking of football team, hindi ko na rin pala nakakausap si Kino. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako or what pero since noong gabing iniwan ko siya ng walang pormal na paalam, hindi na kami nakapag-usap ulit. I tried rin to talk to him pero hindi ko na siya naaabutan tuwing practice nila.

Nakahanap kami ng magandang pwesto kung saan hindi mainit at kitang kita ang buong laro mamaya. Inilapag ni Keiran ang dalang mga pagkain. Mabilis namang kinuha ni Bia ang isang bag ng chips at binuksan.

"Mamaya na nga yan Bia. Kumain ka muna ng kanin." Saway ko.

"Ihhh. Busog pa ko" she pouted and tried to sound cute.

"Pabayaan mo nalang. Kakain din yan mamaya" Sabi ni Keiran.

I sighed and ignored her nalang just like what Keiran said. Malaki naman na yan si Bia, kaya niya na sarili niya.

"By the way Keir" pagkuha ko ng attensyon niya.

"Hmm?" He hummed habang nginunguya ang pagkain.

"Sa physics kanina. Diba puro zero lang yung sagot sa solvings?"

He nodded. Uminom muna ito ng tubig bago dinagdagan ang sagot.

"Nagtaka nga rin ako at first. Akala ko may mali sa mga sagot ko"

"Same"

I solved it for more than five times each equation kanina kasi nagdududa ako. Pag ganyang type ng exam, masusubok talaga yung tiwala mo sa sariling sagot.

"May solvings?"

Nalipat ang tingin ko kay Bia. "Oo, sa back part banda, diba?"

Nahulog niya ang hawak na chips. Tungangang nakatingin ito ngayon sa akin. Namilog naman ang mga mata ko dahil mukhang alam ko na ang kung bakit ganun nalang ang reaksyon ng kaibigan ko.

"Hindi mo napansin na may back part?!" Napailing ito at mukhang paiyak na.

"Kaya pala ang aga mong natapos" Keiran laughed hysterically.

"Bawi ka nalang next exam" he added
at tsaka ginulo ang buhok ni Bia.

Mas lalong napatawa si Keiran nang biglang nagwala si Bia. Pati na rin ako ay napatawa na.

"Akala ko pa naman tataas na yung scores ko ngayon! Ang confident ko pa kanina!" Iyak nito.

"Bawiin mo nalang sa second quarter-"

"Okay" she cut me off.

She wiped her tears before she took the chips and continued eating again, acting like nothing happened.

Keiran and I were both looking dumbfounded. She looked at us raising her eyebrows while eating her chips.

"What?"

"We need to have her check" Keiran whispered and I nodded.

Hapon na nang nag-umpisa ang laro. It's our school football team versus the another school na may kalayuan dito sa amin. The score is currently 1-0, pabor samin.

Memories Beneath The ShoreWhere stories live. Discover now