Chapter 12

89 5 0
                                    

Confused. Nothing more. Just pure confusion.

Why Keiran kept acting like that? Gusto ba niya talaga ako? What if normal lang talaga lahat yun tapos bigla kong nilagyan ng meaning. What if hindi naman niya talaga ako gusto? Right. Hindi niya ako gusto. Bakit niya naman ako gugustuhin anyway?

I don't know how it feels na may nagkakagusto sakin kaya I can't really tell kung gusto ba talaga ako ni Keiran. Hindi rin naman ako nagkaboyfriend pa. Bia always told me na marami daw yung may gusto sakin pero base sa nakikita ko, wala naman! Isa na daw doon si Kino.

Minsan lang naman kami ni Kino nagkakasama noon but Bia always teased us, especially me back then everytime Kino and I are always together. Kino's always around me daw because he likes me pero parang hindi naman. Kino always acted normal. I always saw him as the Kino na ganun ako kung tratuhin, na mabait sakin kaya paano ko masasabing may gusto sakin yun?

Manhid. Yan lagi yung sinasabi ni Bia sakin. Manhid ba yung tawag sa takot mag assume? Tsaka, wala naman kasi talaga akong nakikita o sinasadya ko lang talaga na magpaka bulag-bulagan?

I know the feeling of liking someone pero iniiwasan ko yung pakiramdam at iniiwasan kong isipin na may nagkakagusto sakin. Nakakatakot. Paano kung gugustuhin ko rin siya and at the end, iiwan niya rin ako tulad ng ginawa ng papa ko samin?

The thought of falling in love and being hurt at the end always scares me. Happy ending? It only happened in stories. In real life, everyone leaves. They all do.

My phone rang. Mabilis ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumawag and then I saw Kuya Karlo's name.

"Hi Aya. Sorry kasi napatawag ako nang biglaan. Naubos na kasi yung paintings mo. Binili na lahat" bungad niya sakin.

My eyes widen. "Po? Pero kakadeliver ko lang po ulit kahapon dyan Kuya. 4 po yun lahat"

Last week na sold out din lahat ng paintings ko bigla. Tatlo yun lahat at nakakagulat dahil binili yun lahat ng sabay. Sa isang buwan kasi, nakakabenta lang ako ng minsan tatlo tapos yung pinakamataas na benta lang so far ay lima. Hindi naman kasi ganoon kabenta yung paintings ko tulad ng sa crochet products.

Kaya noong nakaraang araw, dahil wala naman masyadong orders, mas prinariotize ko muna yung paintings. Lima sana yun lahat pero hindi ko pa natapos ang isa dahil kinailangan ko ring mag-aral tsaka may practice din ako.

"Binili na naman lahat?" Paunang tanong ni Bia sakin. Tumango ako.

"Sabi ni Kuya Karlo, hindi naman daw mukhang taga dito yung mga bumili"

"Wag ka na magulat, Aya. Magaganda naman kasi talaga yung mga gawa mo. Kung nabuhay ka lang noong panahon ni Leonardo da Vinci, edi sana fight² kayo sa paintings. Kung may pera lang talaga ako, pinakyaw ko na yun lahat" she commented, praising my artworks.

The idea of my paintings being known made me smile. All of my hardworks finally paid off. Malaking tulong din yun para sa amin ni mama. Hindi niya tatanggapin just like as always pero kahit para nalang sa tuition ko sa college if ever hindi ako makakuha ng scholarship. I know Architecture is really an expensive course pa naman.

Bia's eyes twinkled. She smiled widely at parang hindi na makita ang mga mata niya ngayon dahil doon.

"Palibre naman bestea"

I chuckled but her reaction stayed the same. She's still acting cute at may pa pout pang nalalaman. Is she not aware na mukha siyang pato ngayon?

I rolled my eyes before letting out a small laugh.

Memories Beneath The ShoreWhere stories live. Discover now