One more examination before the second semester. My mind is exhausted as well as my body. Salamat nalang talaga at hindi nabili yung paintings na dinala ko noong nakaraan kaya makakapagpahinga ako ngayon pero nakakapagtaka rin at the same time.
Nauubos lagi last few weeks but when the examination week came, wala masyadong nabenta.
Magdadalawang linggo ko na ring ino-obserbahan ang nararamdaman ko kay Keiran at hindi pa rin ako naka-alis sa stage kung saan tinatanong ko ang sarili ko kung gusto ko nga ba talaga siya.
Napatingin ako sa dagat and it looks so refreshing as always. I couldn't help but smile kasi siya yung naa-alala ko.
He's like the sea, calm and beautiful. Both the sea and him gives me the feeling of peace.
I like his presence. I like him being with me and I like how he cares for me pero diba normal lang naman siguro yun?
"Ang dali-dali sayo paintindihin ng lessons pero ito hindi mo pa rin ma-gets kahit ilang beses ko ng pinaintindi sayo. Nakakastress ka, alam mo yun?" She cupped her face, looking so frustrated.
"Pero hindi ba gawaing magkaibigan yun?"
"Boba!" Singhal niya. "Sinong magkaibigan ang ganun mag-care sa isa't isa? Sinong magkaibigan ang ganyan ka komportable at close sa isa't isa?"
"Tayo, hindi ba tayo ganyan?" I asked innocently. Takang taka pa rin sa nangyayari.
"Ganyan ba tayo mag-care sa isa't isa? Sabihin nating oo, pero ibang level na yung inyo beh. Ganyan ba kayo ka close ni Kael? Hindi." She replied.
"Aya, listen to me please. Kahit ngayon lang." She sighed before continuing.
"Try to open your eyes sa kung ano yung pinapakita niya sayo and try to open your heart para magmahal, wag mo na i-deny. Itigil mo na yung pagiging manhid mo kahit ngayon lang"
Manhid. Pero natatakot lang naman ako. Paano kung mangyari din sakin yung nangyari sa parents ko? Paano kung maranasan ko rin yung nangyari kay mama? I couldn't imagine the pain at hinding-hindi ko kakayanin yun. I'm not strong like my mom.
Pero if it's Keiran, is it worth to try?
I immediately fixed my hair when I heard an approaching footsteps. Perfume palang ang naaamoy pero wala sa sariling napangiti nalang ako bigla. I turned to look at ramdam ko naman ang biglang mas pag-aliwalas ng mukha ko nang makita ko si Keiran.
On his printed gray shirt and black short, he looks so freakin' handsome.
"Did I made you wait for so long?" Pag-uumpisa niya at napa-iling naman ako.
Sinundan ng mata ko ang pag-upo niya tabi kong upuan. I've set up the place kanina and the things na rin na kakailanganin namin.
"Bukas na yung banda niyo diba? Sana nagpahinga ka nalang" nag-aalala kong pag-umpisa.
Bukas na kasi yung program na palagi nilang pinagpa-praktisan. I don't want him tire himself out lang naman. He seems so busy these past few weeks because of the band.
He then pinched my cheek.
"I told you I'm fine and I've rested enough na. Tsaka I want to learn how to paint with you ngayon, wala munang banda."
He asked me to teach him how to paint. I don't know why he did pero hindi ako tumanggi which is in fact, hindi ko naman kasi talaga siya kayang tanggihan. I know my busy schedule pero kaya ko naman sigurong i-dagdag sa schedule ang oras para makasama siya.
Hindi ko alam kung kaibigan pa ba yung tingin ko sa kanya o mas higit pa. Hindi ko rin alam kung pareho kami ng nararamdaman. Most of them kept saying na pareho lang kami ng nararamdaman para sa isa't isa pero ayoko naman mag-jump into conclusions nalang kasi like what I've said, everything for me is normal lang naman. Siguro kasi natatakot pa rin ako na masaktan tulad ni mama kaya ganun. Siguro kasi natatakot pa rin ako magmahal.
YOU ARE READING
Memories Beneath The Shore
Romance"No matter how many times the waves erase the footprints we've made, I'm still willing to make new footprints with you." Cover not mine, CTTRO.