Chapter 5

73 5 0
                                    

"You will be paired randomly and the one whom you paired with will be your partner in every activities and projects in my subject until the end of the semester" Ms. Cruz announced.

I saw how Bia crossed both of her fingers. She closed her eyes and muttered something.

"Sana si Aya. Sana si Aya. Sana si Aya" she repeatedly wished. Napapigil ako sa pagtawa.

"Aroyo and Carillo" Ms. Castro announced hanggang sa apelyido na ni Bia ang tinawag.

"Lopez and-"

"Sollente. Sollente. Sollente. Please be Sollente" paulit ulit na sabi ni Bia.

Tulad nang kanina, nakacross fingers pa rin ito habang pikit ang dalawang mata. Kulang nalang ay lumuhod para madinig yung hiling niya.

"Dizon"

Bia sighed, looking defeated at hindi ko naman mapigilang mapatawa sa naging reaction niya. Para siyang natalo sa lotto. She looked at me, crossing both of her arms and gave me a smug look on her face.

"It's not like hindi ko kaya without you ha, sadyang mas malapit kasi yung bahay mo samin kaya ganun" Pagdadahilan niya at natatawang tumango nalang ako.

Okay po, if you say so.

"Tsaka, akala mo hindi ko nalilimutan yung ginawa mo sakin noong nakaraan. Sakit kaya, muntikan na akong mamatay" she added.

"Hindi ka mamamatay sa isang hampas"

"I will. Paano kung nabali yung bones ko tapos lalabas sa skin ko yung nabaling bones tapos hindi ako naagapan agad? Edi I'll run out of blood! Mamamatay ako" she over exaggeratedly explained causing me looked at her with disbelief.

"You're overreacting too much. Sa hampas ko na yun siguro nga ay mag fififty-fifty pa ang ang buhay ng langaw pag siya yung natamaan"

"Kahit na" she rolled her eyes. "Masakit pa rin both physically and emotional-"

"Sollente and Samaniego" Sabay kaming napatigil at napakurap ni Bia.

"Diba yung Samaniego is si Kuyang Enrollment? Diba? Diba?" Tanong ni Bia habang pabalik balik ang tingin niya sa amin ni Keiran. Tinuturo pa niya ito.

I didn't respond. Parang nabingi ako sa narinig.

Dahil ba to sa nangyari noong nakaraan? Pagkatapos nun, hindi na kami nag-usap pa ulit. I tried my best na iwasan siya at wag siyang tignan, natatakot sa anong possibleng mangyari. We never interacted again and he's acting like nothing happened.

Even though I'm hesitant, I still turned to look at him. Para namang humarintado sa bilis ng pagtibok ang puso ko when I also saw him looking at me with his playful smile on his lips.

Kaagad akong umiwas ng tingin at napahinga ng malalim. I tried myself to stay calm.

Ilang segundo ko palang siyang tinignan pero bakit ganun nalang ang hila niya sakin? Bakit ganun nalang kung tumibok ang puso ko? Dahil ba to sa takot na maulit muli ang nangyari noong nakaraan?

Is he really planning to take his revenge sakin? Parang pila lang naman ha! Tsaka what's with his playful smile!? Porket alam niyang gwapo siya kaya gumaganun na siya umasta sakin? Masyado niya ng tinitake advantage yung face card niya ha!

"Masyado kang maswerte alam mo yun? Halos magkapareho naman tayo ng mga kinakain pero bakit ang swerte mo?" Bia asked.

In what way? Dahil naging partner ko yun? Should I call myself lucky dahil naging partner ko yun? Maybe the opposite siguro?

I didn't respond. Padabog na kinagat ko nalang yung sandwich na hawak habang patuloy na iniisip kung ano ang gagawin. I stomped my feet impatiently.

Before Ms. Cruz left kanina, may iniwan siyang first activity para samin. It's to search about that given topic pero without the use of social media, just books in the library.

Memories Beneath The ShoreWhere stories live. Discover now