Chapter 14

38 6 0
                                    

"You didn't have to do that. Sana sinabihan mo nalang ako kasi kaya ko namang gumawa" I tiptoed para maabot yung canvas pero naunahan na ako nitong makakuha.

"Aya, I know it's just a piece of cake sayo. I'm just worried about you. Masyado ka ng maraming ginagawa" he replied kasabay ng paglagay ng canvas sa cart.

Sinundan ng mata ko ang pagkuha niya ng brush na tabi lang ng canvas bago inilagay sa cart. Nakita niya bang nasira yung brush ko? Yung exact size talaga ng brush na nasira ko?

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakatingin lang ito sakin. Mukhang hinihintay ang sunod kong sasabihin. I cleared my throat.

"And so? Kaya ko naman, Keiran tsaka it's my duty as a student. Sariling gawain ko yun" I argued, proving my point.

I appreciate it a lot na ginawa niya yun sakin kasi nag-aalala siya dahil marami na akong ginagawa pero sariling desisyon at responsibilidad ko yun. Sana sinabihan niya nalang ako na may gagawin diba? Nakakahiya para sa kanya.

He sighed. "Aya, kaya mo nga pero kaya ko rin namang gawin para sayo."

"But you don't have to, Keir. Yung Performance Task, obligasyon ko yun as a student."

"As long as I'm here, obligasyon din naman kita, Aya."

I was caught on guard. I felt my heart pumping loud. Napakurap kurap ako.

"What?" Takang tanong ko.

He shifted his weight. Bahagya pa itong umiwas ng tingin sakin but when he looked at me again, I can sense a bit of panick in his eyes.

"A-as your friend. Obligasyon kita bilang k-kaibigan. Friends help each other, right?"

I felt like something pinched my heart. Bakit? Hindi ko alam. My eyes are still locked looking at him. Mukhang hindi ko pa rin maintindihan ang una niyang sinabi kahit ipinaliwanag na naman niya.

I didn't respond. Madami pa akong binaon kanina na sasabihin at pwedeng ipang-arguement ko sa kanya dahil sa ginawa niya pero mukhang nakalimutan ko bigla ang lahat ng yun ngayon. Tinalikuran ko nalang ito at sinimulan ko nalang ulit ang paglakad para maghanap ng supplies. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sakin.

"Friends help each other, right?" Right, but if I were to be asked if gagawin ni Bia sakin to, obviously not.

Maybe ganito lang talaga si Keiran. He cares so much about his friends. Ganito rin siguro siya mag-alala sa mga kaibigan niya sa Manila.

Ilang minuto na kaming pa-ikot ikot dito sa loob ng mart at wala man lang akong may na-idagdag na materials sa cart. Pati yung bibilhin ko ay nakalimutan ko na rin. Pareho rin kaming walang kibo pero kahit hindi ko ito nililingon ay alam kong nakasunod pa rin ito sakin dahil naririnig ko ang ingay na ginagawa ng gulong ng cart.

I stopped and sighed. I looked at the shelves and I saw the familiar canvas and brushes. Bumalik lang kami kung saan kami galing kanina. Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt dahil sa kanina niya pang pagsunod sakin. For sure pagod na si Keiran.

I turned to look at him and was about to apologize but the cart caught my attention first. Hindi na canvas at brush lang ang laman nito. Now, it has yarns na tamang tama pa sa kung anong kulay ang kailangan ko. Meron ding wrappers na usually kong ginagamit, stick glues and sticks.

Napatabon ako ng bibig gamit ang kamay at may halong gulat at manghang napatingin sa kanya.

Nasabi ko ba sa kanya ang mga kailangan kong bilhin? But wala naman akong maalalang nasabi ko. Maybe it's because of paulit ulit niya na sunod sakin everytime bibili ako? But hindi naman pare-pareho lagi yung kailangan ko. How?

Memories Beneath The ShoreWhere stories live. Discover now