Chapter 7

75 5 1
                                    

"Tita, meet the boyfriend"

Napaismid ako at mabilis na tinignan ng masama si Bia.

She looked at me, smirking. "What? Boy-friend. Lalaking kaibigan"

I gave her a sharp look.

"Ikaw Aya ha, you're so malicious" Sinadya mo yun, period.

"Tita oh! Anak mo assuming!" Sumbong niya kay mama sabay turo sakin. Napatawa si mama.

Hindi ko pinansin ang pang-iinis niya sa akin at nilingon nalang si Keiran. I caught him smiling kaya napaiwas agad ako ng tingin.

Nasa tapat ko siya nakaupo. Si Bia naman ay katabi ko at si mama ay nasa kabisera.

"Ikaw yung STEM transferee diba, hijo?" Nakangiting tanong ni mama.

He nodded. "Opo, I'm Terrence Keiran Samaniego po, ma'am"

"Ay naku wag mo na akong tawaging ma'am. Mama nalang"

My eyes grew big. "Ma!"

I can see the shock in Keiran's face. He shifted his weight and swallowed. Dinig ko naman ang pagtawa ng demonyo sa tabi ko.

"Anak naman. Wala namang masama kung tawagin niya akong mama diba? Dadating din naman doon-"

"Ma naman!" Nakakahiya kasi!

"Kaya nga Tita. Ewan ko ba kay Aya, kanina pa siya ganyan" Napa-apir si mama at si Bia.

Napahilot ako ng sentido dahil mukhang lalagnatin ata ako nito ng wala sa oras.

Sana pala pinadiresto ko nalang ng uwi si Keiran kanina. Bakit ko pa ba siya pinilit? Nagsisisi na tuloy ako ngayon sa naging desisyon ko. How could I forget na pwedeng mangyari to?

Walang wala yung todo iwas ko sa maling desisyon sa buhay kong kasama ko lagi ang mga demonyo.

I apologetically looked at Keiran. He just smiled and nodded at me to assure me that it's fine. Good thing at marunong siyang umintindi.

"Kuyang Enrollmen- I mean, Terrence Keiran, right?" pagtawag ni Bia sa attensyon ni Keiran. Tinanguan ito ni Keiran.

"Hmm?"

"Try mo nga tawagin si Tita na mama" nakangiting dagdag ni Bia. Mabilis ko naman itong nilingon at kinurot sa hita pero hindi niya ako pinansin.

Nahihiyang ngiting napakamot si Keiran ng batok at napatingin sa akin, inaantay ang reaksyon ko. Panay ako ng iling para wag niya gawin samantalang si Bia naman ay tango nang tango.

"Sige na hijo" pagkukumbinsi ni mama. Isa pa tong si mama! Todong nakangiti at tumango tango na rin ito habang inaantay si Keiran.

I sighed heavily because I felt defeated. Ano pa bang laban ko sa dalawa? Palagi nila akong pinagtutulungan at palagi akong natatalo. Feel ko talaga sila dalawa yung tunay na mag-ina.

"Ma?" Keiran blushed.

Both Bia and Mama squealed and I just covered my face because of embarrassment. I could feel the heat slowly rising to my cheeks.

"Oh diba Tita? Bagay na bagay! Sabi sayo eh!"

"Tama na nga. Kumain nalang tayo" halong inis at hiya kong saway bago padabog na sinubo ang isang kutsarang kanin pero mukhang hindi lang nila ako narinig dahil nagpatuloy lang ang pag-uusap nila.

"Siya rin ba anak yung tinutukoy mo noong enrollment na classmate mo pala? Yung gwapo na inadmit na maganda ka?"

Bigla akong nabulunan. Kita ko ang mabilis na pagtayo ni Keiran para abutan sana ako ng tubig pero mas nauna akong nakakuha ng isang baso. Napatingin ako sa kanya at bahagya naman itong umiwas ng tingin sakin bago umupo. He bit his lower lip while trying to avoid looking at me.

Memories Beneath The ShoreWhere stories live. Discover now