as still a long way before I can reach my dreams. Yun yung magkaroon ng magandang buhay para hindi na si mama mahirapan magtrabaho. Nakakatulong nga naman ako somehow but it's still not enough to give us the life that I've been dreaming for the both of us.
Nakakapagod. I really want to quit but, come to think of it. Ngayon pa ba ako titigil kung saang naumpisahan ko na?
Academics. Painting. Crocheting. Volleyball. Ang hirap lahat pagsabayin sa totoo lang. Konti nalang yung oras ko na nakalaan para sa sarili ko.
Sleeping for only 3-4 hours everyday. Saturday and Sunday that was supposed to be the time wherein I can rest my whole body and mind pero naging araw pa kung saan kailangan kong gumawa ng mga orders.
Sometimes, napapaisip nalang ako na, paano kung hindi kami iniwan ni papa? Siguro mas maginhawa ang buhay namin ngayon?
"Aya! Aya!"
I opened my eyes, half-asleep. I stayed on my position for a while, nakahiga ang kalahating pang-itaas na katawan sa desk.
My mind and my body is tired dahil dalawang oras lang ang tulog ko kagabi. I decided to paint after I studied. I was motivated to paint something without a reason at mukhang nawili ako kaya hindi ko napansin ang oras. That's why I'm trying to sleep right now since may vacant time kami ngayon but then again, meron talagang mga taong palaging humahadlang sa mga gusto mong gawin.
"Aya! Aya! Aya!"
Dabog akong bumangon because of annoyance. My glaring eyes immediately flew on Bia but it has no effect on her. She looks excited at mukhang kinikilig rin at the same time.
"Anong problema m-" I was cut off by her when she suddenly pulled my arms, forcing me to stand up in no time.
"Yung kaibigan mo! Dali!" Sabi niya habang hinihila ako palabas. Kusa namang nagpahila ang katawan ko dahil sa kawalan ng lakas.
"Ha?"
Anong pinagsasabi niya? Kaibigan ko? Si Kael? Pero bakit mukhang kinikilig siya if it's Kael? Then maybe she wasn't talking about Kael. Kino? Is it Kino? But hindi na kami nag-uusap ni Kino, palagi na niya akong iniiwasan.
I yawned. Ah! Gosh! My mind is not minding!
"Basta yung kaibigan mo! Bilis!"
"Sino nga kasi?!" I asked, irritated, pero hindi na ito sumagot sa akin.
I yawned again. Natiasod pa ako dahil doon, buti nalang at nakahawak ang isang kamay ko sa handle ng hagdan.
Kung makabilis kasi ng lakad, akala mo naman parang hindi lang kami dumadaan sa hagdan ngayon. Wala namang naghahabol samin or what so hindi ba siya pwedeng dumahan dahan lang?
"Pag yun Aya hindi mo maabutan, magsisisi ka"
"Ano ba kasi yun? Hindi ba pwedeng sabihin mo nalang ng diretso?"
"Basta! Bilisan mo nalang para makita mo agad" she turned at me for a second and smiled widely.
Curiousity immediately swallowed me pagkatapos kong makita ang nagtutumpukang mga estudyante. Kahit may kalayuan pa ay rinig na dito ang malakas na tilian. Nagtutumpukan silang lahat sa harap ng isang room. There are some boy students but most of them are girls.
Ilang hakbang lang ang nagawa namin ay narinig ko na agad ang tunog ng drums, piano at gitara.
Yung room na tinutukoy ko kung saan may mga nagtutumpukan ngayon, yun yung music room ng school. It's just as big as a regular classroom pero mukhang pati sa loob nito ngayon ay punong puno ng estudyante kaya sa labas na ang iba nanonood.
YOU ARE READING
Memories Beneath The Shore
Romance"No matter how many times the waves erase the footprints we've made, I'm still willing to make new footprints with you." Cover not mine, CTTRO.