"I know how to cook naman"
My heart skipped a beat. I can feel him looking at me and waiting for my reaction pero pilit kong pinipigilang wag lumingon sa kanya.
I saw how Bia's head turned automatically at Keiran. I also saw how her donut fell from her mouth while staring at him. Mukhang hindi pa ito makapaniwala sa narinig.
We just misunderstood it diba? Hindi ganun ang ibig sabihin nun. Right. Hindi. Keiran meant nothing but satire.
I looked at Keiran and tried to laugh. Hinampas ko pa ito sa balikat.
"Bolero ka talaga" I joked.
I saw how his expression changed. His eyebrows met at mukha namang binabasa nito ang isip ko. He sighed.
"Yeah, I was just joking" walang gana niyang sabi bago kumain.
See? I was right.
I looked at Bia and raised my eyebrows at her, trying to prove my point. Kita ko ang pagtataka sa mukha nito. Halatang nagtataka sa ginawa ko.
No Bia. You misunderstood it also. Hindi ganun ang ibig sabihin ni Keiran. He said it himself na. He was just joking.
Minutes have passed pero wala na ulit may kumibo sa aming tatlo. Habang tumatagal ay parang mas bumibigat ang paligid.
I tried my best to think of something para makatakas sa sitwasyon na yun pero wala man lang akong maisip. I cleared my throat bago kinain ang natira kong pagkain. It's getting more awkward as seconds passed. Bawat segundo ay parang kay tagal tulad ng oras.
Beads of sweat started forming on my forehead. Napapaypay naman ako sa sarili ko gamit ang kamay. Nakakapagtaka, madami namang electric fan dito sa cafeteria tsaka hindi naman mainit pero bakit ako pinagpapawisan?
Just when I thought my life is ending, the bell rang.
The chair beside me moved. Kaagad din naman akong napatingin kay Keiran na naunang tumayo.
"Gotta go, may band rehearsal kami ngayon" he uttered before walking away.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng cafeteria. Ni hindi man lang nito nagawang lumingon sakin bago umalis.
Kung hindi ganun ang ibig sabihin nun, bakit ganito? He denied it naman na pero bakit parang may mali. Mali ba yung pagkakaintindi ko? Did he said it on purpose? Parang impossible naman kung ganun.
I fixed my skirt and my uniform bago tumayo pero ramdam ko naman ang biglang paghina ng buong katawan ko. Handa na sana akong umalis pero agad akong napatingin ako kay Bia nang napansing hindi pa rin ito tumatayo.
Seryosong nakatingin ito sakin at parang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.
"Ngayon mo sakin i-deny na hindi ka nun gusto"
"He denied it, Bia. He meant nothing." I replied bago naunang umalis.
I don't want to assume and I really hate to assume. He said it na, he was just joking around pero bakit parang pinipilit pa rin ni Bia na may ibig sabihin yung sinabi ni Keiran?
August came. May practice game kami ngayon kalaban ang kabilang school. Ilang beses na rin naman naming nakalaban to noong mga nakaraang taon pa. Mapapractice game man o official.
Beads of sweat keeps forming on my forehead. Rinig ko rin ang malalakas na tilian ng mga estudyante, isa na dun si Bia. Kahit madami ang nag-iingay ngayon, umaapaw pa rin yung sigaw ni Bia.
The referee whistled, my cue to serve the ball. Ang kaninang maingay na court ay biglang tumahimik.
I took a deep breath before spiking the ball. After that, para namang nagwala ang mga estudyante sa loob ng court kasi biglang lumakas ang mga hiyawan.
YOU ARE READING
Memories Beneath The Shore
Romance"No matter how many times the waves erase the footprints we've made, I'm still willing to make new footprints with you." Cover not mine, CTTRO.