- UNO -

5K 38 1
                                    

Erika's POV

Ngayong araw daw ang dating ng Ninong ko kaya heto ako at kontodo suklay gusto ko kasing maganda ako sa paningin niya kahit marami na siyang nakitang babae doon sa Barko dapat outstanding pa din ang Beauty ko! Crush ko si Ninong dati pa hindi ko nga lang masabi-sabi dahil Ninong ko nga siya at Bestfriend siya ni Papa at paniguradong mapapagalitan ako ni Papa kapag nalaman niya kaya dapat sikreto lang.

Matanda na nga si  Ninong magka-edaran sila ni Papa pero single pa din ito at walang anak! Diyos ko Lord na mahabagin lalo akong naiinlove sa kanya!

"Eka. Anak! Andito na si Ninong Raphael mo bumaba ka na diyan may pasalubong siya sayo!"   Malakas na tawag ni Papa.

Andito na ang Ninong ko! Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at patakbong bumaba ng hagdan nahinto ako ng nasa dulong baba na ako ng hagdanan pano parehong nakatitig sa akin sina Papa at si Ninong.

"Next time tatanggalin ko na yang hagdan. Hindi halatang excited kang makita ang Ninong mo."  Natatawang wikai ni Papa.

Ngumiti sa akin si Ninong yung tipong makalaglag panty! "Hi Eka. May pasalubong ako sayo pero dapat mag-bless ka muna bago mo ito makuha."

Kinilig ako sa sinabi nito at marahang naglakad palapit sa kanya. Pwede bang kiss na lang imbes na mano?

Tipid akong ngumiti saka naglakad palapit kina Papa at Ninong. Parang hindi ko ata kayang titigan ngayon si Ninong.

"Naku nahiya pa itong inaanak mo oh parang dalaga na kung maka asta.  Asus wala pang Boyfriend yan pano parang lalaki kung kumilos pero bihis babae naman."  Natawa pa talaga si Papa habang hinahamak ang pagiging Boyish ko.

"Ganon ba bakit Pare gusto mo bang maligawan agad yang inaanak ko?"  Wow namiss ko ang boses niya. Grabeh kinikilig ako.

"Aba! Oo naman! Naku Pare next month October Six, 18years old na yang inaanak mo."

"Talaga?"  Sabay titig sa akin ni Ninong.  "Dalaga ka na pala Erika dati pinapaliguan lang kita kapag nasa Training ang Papa mo. Kumusta ka na nga pala?"

"P-po? Pi-pinapaliguan nyo po ako dati?" Nahihiyang ulit ko.

"Oo. Iniiwan kita sa Apartment ng Ninong mo dati kapag may Training sa Kampo bawal kasi ang bata doon eh wala naman akong mapag-iwanan sayo kasi binatang ama ang Papa mo kaya no choice kundi kay Ninong mo na lang."

"O bakit? Nahihiya ka na ba sa akin ngayon? Naku dalaga ka na nga siguro may crush ka na no." Pang-asar nito sa akin.

Umiling ako saka ko kinuha ang kanang kamay nito para mag-mano.

"God bless sayo Eka."  Saka nito binigay sa akin ang malaking paper bag. Ano kaya ito?

"Buksan mo na."  Nakangiting utos ni Ninong kaya binuksan ko.

Nanlaki ang mga mata ko. "Wow!"

"Nagustuhan mo ba?"

"Opo Ninong salamat po! Matagal ko ng gusto ng Aso! German shepherd po ito diba."

"Yup! So anong ipapangalan mo sa kanya?"

"Paeng!"  Agad kong sagot.

"Ang bantot na pangalan naman nun Anak."  Sabay tawa ni Papa.

"Short for Raphael at Erika po kaya naging Paeng." Ngumiti naman si Ninong mukhang nagustuhan nito ang ipinangalan ko sa cute na tuta!

Aba! May Baby na kami ni Ninong! Si Baby Paeng!

"Naku Pare masyado mo na namang iniispoiled yang inaanak mo ha baka pag sumampa ka uli ng Barko e pumalahaw na yan ng iyak ang panget pa naman umiyak niyan!"

I love you Ninong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon