Malaking at madami ng tao sa Cafeteria. Pero si Ginger mukhang sigurado siya kung saan siya pupunta. Hila-hila niya ako hanggang sa huminto kami sa harap nang isang mesa na may apat na Lalakeng naka-upo, halos lahat sila walang panapon.
"Hello." bati ni Ginger. "Classmate ko si Erika." pakilala nito sa akin.
"Hi, ang ganda naman pala ng Classmate mo, Gin." namula ako sa sinabi nito.
"Talagang maganda! Kase mana sa akin na maganda din diba Erika." pagyayabang ni Ginger. Nagtawanan naman ang Apat na Lalake kasama doon ang Kuya niya na si Lorenzo.
"Ay, ito nga pala si Kuya Lucca tapos yung isang yon si Kuya Edmundo magpinsan sila. At itong pogi na ito si Kuya Hanzo." lumapit ito sa kinauupuan ni Lorenzo. "At itong pinakapogi sa lahat syempre si Kuya Lorenzo ko at libre daw niya ang Meryenda natin! Yehey!"
Hinila uli ako nito palapit sa bakanteng upuan sa tabi ng Kuya Lorenzo niya. Nakakahiya namang dumikit sa kanila pano mga Anak mayaman sila lahat parang alanganin ako dito sa School na to ah!
May binigay na plato si Lorenzo na may Isang slice ng pagkalake-laking pizza at Amoy pa lang talagang nakakatakam na! Binigyan din nito si Ginger na todo hagikhik kasi nagpapatawa yung Lucca ang pangalan.
"O kain na tayo, andito na ang hinihintay natin eh." sambit nung Edmundo.
"Teka, Erika ano gusto mo? Hot sauce o yung ordinary Ketchup lang?" tanong sa akin nung Hanzo.
"Ah...eh... m-may baon naman ako e." pinakita ko ang Lunch bag ko saka ko nilabas ang Pink Tupperware na naglalaman ng Egg Sandwich na paborito ko. Meron din yung Bottled Juice, wow naman Lalo tuloy akong kinikilig Kay Ninong!
"Wow! Sandwich! Pwede pahenge?"
"Oo naman Ginger, madami naman ito eh." saka ito kumuha ng isa.
Kinagat agad nito ang tinapay. "Ang sarap! Sinong gumawa Mama?"
"Ha?! Hindi." sabay iling ko.
"E sino Yaya mo?" tanong uli ni Ginger.
"Naku, wala kaming Yaya sa Bahay. Si Raphael ang gumawa niyan. Masarap ba?"
Tumango ito. "Oo. Sino naman si Raphael? Pinsan mo?"
Ngumuya muna ako ng tinapay ko. "Hindi. Boyfriend ko siya."
Natigilan sila sa sinabi ko Lalo na si Ginger. "Teka, magkasama kayo sa Bahay ng Boyfriend mo?"
"Oo, bakit? Nakatira ako sa Bahay niya.". natatawang sagot ko pano parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.
"E, ilang taon ka na ba Erika?" tanong na naman ni Ginger.
"Eighteen. Bakit?"
"Ang Bata mo pa, tapos live in na kayo?"
"Alam mo Ginger, masmatanda siya sa akin at may trabaho po siya at dahil sa kanya kaya po ako nag-aaral dito, sinabi ko na yon sa Kuya mo eh. Saka mabait siya inaalagaan niya ako simula ng palayasin ako ng Papa ko."
"Mahal mo siya?" biglang tanong nung Edmundo.
Napatitig ako dito. "Oo naman, Hindi ko siya ipagpapalit sa ibang Lalake."
"Wow." tanging sambit nung Lucca sabay sandal sa kinauupuan nito.
Tumunog ang cellphone ko. "Sagutin ko lang."
BINABASA MO ANG
I love you Ninong
RomanceNgayong araw daw ang dating ng Ninong ko kaya eto ako at kontodo suklay gusto ko Kasi g maganda ako sa paningin niya kahit madami na siyang nakitang Babae doon sa Barko dapat outstanding pa din ang Beauty ko! Crush ko si Ninong dati pa hindi ko nga...