- TRES -

3.1K 19 0
                                    

Erika's POV

Sumapit ang araw ng 18th Birthday ko. Masaya akong bumangon ng bumukas ang pinto.

"Papa!?"  Gulat kong tanong. Salubong ang mga kilay nito halatang galit siya.

Humakbang si Papa palapit sa kinahihigaan ko saka ako hinatak patayo.

"Papa?"  Takot na takot ako sa itsura nito kulang na lang kasi sakalin niya ako.

"Hindi ko akalaing lalandiin mo ang Ninong mo!"  Hasik ni Papa sabay sampal sa akin kaya napahiga uli ako sa kama ko hawak-hawak ko ang mukha ko na tinamaan ng sampal nito.

Napatitig ako kay Papa.  "S-sorry po. G-gusto ko po si Ninong!"

"HINDI! INAANAK KA NIYA AT NINONG MO SI RAPHAEL!" Kinaladkad ako ni Papa palabas ng kwarto ko at hinila palabas ng bahay para lang akong basurang hagis nito sa daan.

Pinagtitinginan ako ng mga tao lalong-lalo na nang mga kapitbahay naming Marites. Sige ang iyak ko meron din akong konteng sugat at gasgas dahil sa pagkakahagis sa akin ni Papa.

"Nakakahiya ka! Wala akong Anak na gaya mo! Malandi ka! Sinabihan na kita diba! Sige! Pumunta ka sa Ninong mong imoral! Magsama kayo! Pero ito ang tatandaan mo wala kang dadalhin na kahit ano mula sa loob ng Bahay ko!" Sabay sara nito ng gate.

"Papa! Papa! Maawa na po kayo sa akin. Papa!"  Pagmamakaawa ko sa labas ng gate namin. Bumukas ang pinto akala ko papapasukin na ako ni Papa pero hindi pala hinagis nito sa kalsada pati si Paeng.

"Paeng!" Agad ko itong kinuha saka niyakap sige ang iyak nito gaya ko umupo muna ako sa isang sulok para patahanin si Paeng.

Medyo umiinit na rin ang sikat ng araw kaya nagdesisyon na lang akong maglakad gaya ng sabi ni Papa pupuntahan ko si Ninong wala akong ibang alam na pwede kong tuluyan kundi siya lang wala akong pera tanging sarili ko lamang at si Paeng ang bitbit ko.

Gabi na nang makarating ako sa  bahay ni Ninong. Mukhang wala siya hindi ko kasi makita ang Kotse niya sa loob ng bakuran nito. Saan kaya siya nagpunta?

Umupo ako sa gilid ng gate. Niyakap ko si Paeng. Nagugutom na ako at nauuhaw.

Halos kalahating oras kami ni Paeng sa labas ng gate ng bahay ni Ninong nang may humintong Sasakyan nakakasilaw ang ilaw nito. Narinig kong bumukas ang pinto nito saka may naglakad palapit sa akin.

"Eka."  Sambit nito sa pangalan ko.

Kung kanina tumigil na ako sa pag-iyak ngayon bigla akong napahagulhol.

"N-Ninong si Papa."  Sumbong ko.

Inalalayan niya akong tumayo saka ko napansin na may konting pasa ito sa mukha.

"Alam ko ang nangyari. Galing ako sa inyo. At medyo hindi kami nagkaintindihan ni Evan. Kanina ka pa ba dito?"

Umiling ako. "Kadarating lang namin ni Paeng. Nilakad ko mula sa bahay namin hanggang dito wala kasi akong pera. Na-nagugutom na po ako."

Binuhat ako ni Ninong pagkatapos nitong Susian ang gate. Sige lang ang iyak ko. Pagpasok namin ng bahay inilapag niya ako sa malambot na couch saka nito kinuha si Paeng at dinala sa kusina para pakainin. Minasdan ko lang siya habang nagluluto.

Birthday ko dapat masaya ako.

"O kumain ka muna ng Sopas at ito orange juice yan. Aayusin ko lang ang magiging kwarto mo ha."

Tumayo na ito at nagtungo sa hagdan.

"Ninong."  Tawag ko. Nilingon naman niya ako.  "Salamat po."

"It's nothing, Eka. Kinuha ko yung mga gamit mo sa bahay nyo mamaya ko na lang yon ipapasok. Don't worry hindi kita pababayaan." Ngumiti lang ako habang sige ang pahid ko ng mga luha ko.

I love you Ninong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon