DESI SAIS

1.7K 20 1
                                    

Ginawa ko ang sinabi ni Ginger na ituon ko sa pag-aaral ang atensyon ko sa halip na magmukmok ako, hanggang sa hindi ko namalayan ang mga Segundo, Minuto, Oras, Araw, Buwan at Taon.

      Madaming tao ngayon Dito sa Field ng Hamilton International School. Ngayong araw kase ang Graduation day namin ni Ginger. Nauna nang Grumaduate sa amin ang Kuya niya na si Lorenzo kasabay nila Lucca at Hanzo. Pero ngayon narito sila para sumaksi sa espisyal na Araw para Kay Ginger habang ako si Papa lang ang kasama ko kasi si Raphael bawal daw siyang umabsent kasi exam daw Ngayon ng mga Estudyante niya sa Isang Maritime School kaya si Papa lang ang kasama ko habang si Paeng naiwan sa Bahay.  Naiintindihan ko naman si Raphael Isa pa para Yun sa future namin. Hindi gaya dati medyo nag-matured na ako at marunong na din ako ng mga technique para Hindi ako agad mabuntis kaya all the way ang saya ni Raphael tuwing gabi kahit pagod na siya napapalaban siya sa akin at hindi pwedeng humindi siya dahil hindi ko na siya papansinin.

     Sana naman maagang matapos ang exam nila para makahabol siya. Kahit Hindi naman ako honor dahil hindi naman ako matalino masgusto kong makita man lang niya akong umakyat ng stage kahit papaano. Hinagkan ko ang engagement ring na bigay niya sakin noong Eighteen pa lang ako, after four years eto na Graduate na ako!

     Tumayo na kami sa gilid kung saan kami aakyat para magmartsa sa stage. Inayos ko ang sarili ko.

      Nilingon ko sila Papa, kasama kasi niya ang mga Magulang nila Ginger. Nagtaka ako nang mapansin ko ang suot ni Lorenzo, Lucca at Hanzo. Bakit naka-longsleeves Sila?

     Ako na ang sunod na tinawag nauna ako kay Ginger  dahil Letter D ang Apilyedo ko habang M naman siya. Napahinto ako sa paglalakad ng mag-iba ang tugtog.

When the visions around you...
Brings tears to your eyes...
And all that surrounds you...
Are secret and lies...
I'll be your strength...
I'll give you hope...
Keeping your faith when it's gone...
The one you should call...

     Huminto ang Kanta.

     Naghiyawan ang lahat ng maglakad paakyat ng Stage si Raphael! Ang Guwapo niya sa suot na Black Tuxedo. May kumuha sa toga hat ko at pinalitan yon ng Belo nilingon ko ito, si Ginger na masayang nakangiti.

     "A-alam mo ba ang tungkol Dito?"  garalgal kong tanong.

     Tumango ito.  "Sorry, Best kasi kinutsaba kaming lahat ni Raphael mo e Ikaw lang ang Hindi.". saka nito ibinigay sa akin ang hawak na bulaklak.   "Lakad ka na papunta sa Husband mo in a couple of minutes."

      Tumayo si Raphael sa gitna nang Stage habang nakatitig sa akin at matiyagang inaantay ang paglapit ko. Tumugtog muli ang Musika ng humakbang na ako, grabeh napailing ako ang galing niyang gumawa ng  eksena, Sige ang pahid ko ng mga luha ko hindi ko akalaing dito mismo sa School kami ikakasal.

Was standing there all along...

And I will take you in my arms...
And hold you right were you belong...
Til the day my life is through...
This i promise you...

     Sige ang hiyawan ng lahat ng makalapit na ako kay Raphael.  Lalo lang akong lumuha nang punasan niya ang pisnge ko.

      "Surprised Rabbit?"

      Tumango ako saka ko siya mahinang hinampas sa dibdib.  "Sobra. Ang daya nyo! Hindi nyo ko ininform!"

      Nagtawanan ang lahat, saka ko lang narealize na naka-on pala ang Mic na nakatapat sa amin.

      Lumabas ang Pari mula sa likod ng Stage senyales na para tumahimik ang lahat.

      Sakto lang ang sermon ni Father. Ilang minuto pa at magpapalitan na kami ng sing-sing.

      Umakyat mula sa Stage si Paeng may kagat kagat itong basket na naglalaman ng sing-sing ang wedding ring namin ni Raphael. Talagang napahanga ako ng soon to be Husband ko pati si Paeng kasabwat niya!

      Kinuha nito ang sing-sing na isusuot sa daliri ko ganun din ang kaliwang kamay ko.

      "Hindi ako mahilig mangako, alam mo yan. Pero lahat gagawin ko para sayo at sa mga magiging Anak natin. Ang sing-sing na ito ang tanda ng pagmamahal ko sayo Mula noon hanggang ngayon aalagaan kita Erika hinding hindi kita paiiyakin. Salamat sa Oras at pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Masaya ako na Ikaw ang tahanang uuwian ko mula sa mahabang paglalakbay ko. Mahal na mahal kita."

     Mangiyak ngiyak ako ng isuot na nito sa daliri ko ang sing-sing. Nanginginig kong kinuha Mula sa dalang basket ni Paeng ang sing-sing na para kay Raphael. Saka ko hinawakan ang kaliwa niyang kamay.

     "S-sa totoo lang blangko ako."  nagtawanan na naman lahat.  "K-kasi---- Wala akong masabi, lahat na nasa iyo. Alam mo bang Bata pa lang ako pangarap na kita. Isang napakatayog na pangarap na Akala ko mananatili na lamang na ganon. Lagi ka sa isipan ko hanggang ngayon. K-kahit pano nagpapasalamat ako dahil napansin mo ako. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya.  Kahit napakalaki nang agwat natin Ikaw at Ikaw pa din ang pipiliin ko, alam mo kung bakit? Kasi Mahal kita--- sobra--- sobra. Salamat sa pag-aalaga mo sa akin s-simula Bata pa ako hanggang ngayon na tumanda na ako, Lage kang nasa tabi ko sa tuwing kailangan kita. Pangako. Magiging mabait akong Asawa at Ina nang mga Anak natin. Isuot mo ang sing-sing na ito bilang tanda ng wagas kong Pag-ibig sayo."

     Nagpalakpakan ang lahat ng isuot ko na sa daliri ni Raphael ang sing-sing.

     "I pronounced you Husband and Wife. Maaari mo nang halikan ang iyong Asawa.". pagtatapos ni Father.

      Hinapit ni Raphael ang bewang ko saka ako masuyong hinagkan sa mga labi ko. Kung kanina malakas na hiyawan ang bumungad ngayon doble pa sa inggay nang kantyawan at hiyawan kasabay ng nakabibinging palakpakan. Ang saya ko! Tama nga sila na ang Kasal ang pinakamasayang Araw sa Buhay ng Isang Babae dahil ito ang araw na magiging Isa kami ni Raphael.

     Humiwalay ako sa mga labi ni Raphael.

     "I LOVE YOU NINONG!"  malakas kong sambit sa harap ng Mic, Hindi ko ikinahihiya kung ano siya sa Buhay ko.

     Malambing na ngumiti si Raphael.  "I love you too, Inaanak." sagot nito sa harap ng Mic.

      Mula ngayong Araw na ito iisa na kami ni Raphael! Hawak kamay kaming bumaba ng Stage. Sinalubong kami ni Papa at ni Paeng saka kami sabay sabay na naglakad palabas ng School habang sige ang palakpakan ng mga tao.  Salamat sa Lalakeng pinili kong Mahalin.

                     W A K A S










I love you Ninong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon