- QATORSE -

1.8K 24 3
                                    

- QATORSE -

Sige ang tawag ko kay Eka habang nagmamaneho ako pero hindi ito sumasagot, kinakabahan na ako halos madami na ang dugo na lumabas mula sa kanya naiisip ko ang Baby namin kaya hindi ko maiwasan ang umiyak.

      Pagdating namin sa Ospital agad akong bumaba. Naalarma ang mga Staff ng makita nilang duguan ako kaya nagsilapitan Sila agad para tulungan ako. Binuhat ko si Erika at nilagay sa stretchers saka nila ito itinakbo sa Emergency room Hindi na nila ako pinayagan pang sumunod sa loob kaya sa labas na lamang ako nag-antay.

      Abot-abot ang dasal ko na Wala sanang masamang mangyari sa mag-ina ko. Umupo ako sa bench na nasa kabilang gilid lang ng Emergency room, bumukas ang pinto kaya dali dali akong lumapit.

     "Kayo po ba ang kasama ng pasyente?"  tanong sa akin ng Doktor may hawak itong papel.

      "Kaano-ano ho niya kayo?"

      "Ama ako ng dinadala niya, b-bakit ho Dok may problema ba?"  kinakabahang tanong ko.

      "Kailangan ko ho ng pirma nyo, maraming dugo ang nawala sa pasyente."  panimula nito.

      "Doktor ka diba! Bakit hindi mo gawin ang trabaho mo! Hindi ako pipirma diyan! Kelangan ko si Erika!" 

      Tumango ito.  "Naunawaan ko ho kayo. Waiver lang naman ito na nagpapatunay na nasa alanganing sitwasyon na ang pasyente bago nyo siya dinala Dito."   paliwanag nito saka ito bumalik muli sa loob. 

      Parang ang bagal ng oras. Muling bumukas ang pinto ng Emergency room. Inilabas mula roon si Erika---- wala na Ang umbok nitong tiyan. Nanlumo ako sa nakita ko, Sige ang tulo ng mga luha ko habang sunod sa mga may dala kay Eka.

      Wala na ang Baby namin.

      Tulog pa si Erika ng ilipat siya ng Kama. Inayos muna ng mga Nurse ang mga dapat ayusin saka sila lumabas.

      Hinaplos ko ang maliit na mukha ni Eka. "Sorry, Rabbit. Hindi ko din alam kung bakit nagkaganito, sana mapatawad mo ako. Ayokong magalit ka sa akin."

      Nakisuyo muna ako sa Nurse na bantayan si Eka. Uuwe muna ako para kumuha ng mga pamalit niya damit, isasama ko din si Evan at si Paeng alam kong nag-aalala sila para kay Eka.

      Nasa loob na ako ng Sasakyan ng mapansin ko ang cellphone ni Eka. Ibinalik sa akin yon ni Lorenzo. Siguro magandang tawagan ko Sila para kahit pano makabawas sa stress ni Eka paggising niya.

     Kinuha ko iyon at hinanap ang Numero nito kung Meron man. Meron akong nakita pero hindi pangalan ni Lorenzo kundi Ginger ang naka-save, tinawagan ko iyon.

"ANO PO?! OKAY PO PUPUNTA KAMI!"  I inababa ko na ang tawag ng Boyfriend ni Erika saka ako nagmamadaling umakyat sa Kuwarto ni Kuya Lorenzo ko.

      "Kuya!"  napabalikwas ito ng bangon.

      "Gin, naman natutulog na ako eh----."  reklamo nito.

      "Nasa Ospital si Erika, tumawag yung Boyfriend niya. Nawawala daw ang Baby nila!"  kasabay ng pag-iyak ko.

      "Ano!"  tumayo si Kuya saka kinuha ang susi ng Kotse niya. At magkasabay kaming lumabas ng Bahay. Nasa Business trip si Papa at kasama niya si Mama.

     Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko habang si Kuya naman sige ang overtake. Alam kong importante sa kanya si Erika dahil tinamaan siya dito pero sana naman hindi niya samantalahin ang sitwasyon kawawa naman si Raphael kapag nangyari yon.

    "Gising na si Erika!"  masayang sambit ni Ginger.

     Hindi na muna ako lumapit. Hinayaan kong si Raphael at ang Papa niya ang unang niyang masilayan.

I love you Ninong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon