- ONSE -

1.5K 22 4
                                    

"ANO KAMO EVAN! ANAK MO ANG BABAENG YAN!"  sigaw ng medyo may edad na na Babae.  "Sabi ko na nga ba e na may kinalolokohan ka sa Maynila! Na Hindi totoong naandon ka dahil sa Trabaho mo! Niloko mo ko Evan!"   sinugod nito si Papa at pinagsasampal.

      "Tama na! Nasa pamamahay ko kayo!"  ganting bulyaw ni Papa.  "Asawa kita, oo! At Anak ko si Kaila pero Anak ko din naman si Erika! At gusto kong magkasama sama tayo dito sa pamamahay ko mahirap bang intindihin yon!"

      "Pamamahay ko din ito dahil Legal mo akong Asawa at Ganon din si Kaila!"   sinipat ako nito mula sa likuran ni Papa.  "Hindi gaya ng Bastardang Yan!"

      "Tama si Mama. Bakit ba inuwi nyo pa iyang Babaeng yang dito sa Bahay Papa? Dapat pinabayaan nyo na lang Yan sa Maynila! Magkakaroon pa ako ng kahati sa lahat ng bagay! E halos buong Buhay ko wala kayo sa tabi ko, Yun Pala inaalagaan nyo ang Bastardang yan!"

      Natigilan si Papa sa sinabing iyon ng Kapatid ko daw. Habang ako tahimik lamang na nakikinig sa kanila asa tabi ko naman si Paeng.

      Bumuntong hininga si Papa.  "Anak ko si Erika. Sige tutal nagkakalabasan na din naman ng Baho okay.  Ipinaako ka lang sa akin ng Mama mo, Kaila."

      "Evan?"  namumutlang sagot nung Asawa ni Papa. Natameme naman yung Kaila.

      Tumawa si Papa.  "O bakit parang lumambot ka ata Marissa, hindi mo ba akalaing malalaman ko. Matagal ko ng alam nung Eight pa lang si Kaila dahil sa Dengue, nagpa-DNA test ako at negative ang lumabas pero may narinig ka ba sa akin? Di ba Wala. Kinulang ko ba kayong dalawa? Di ba Hindi. Mas-inalagaan ko kayo kesa sa tunay kong mag-ina. Kaya siguro dapat maging kontento kayo."

      "Mama, totoo ba yung sinabi ni Papa?" mahinang tanong nung Kaila. Tumango lang yung Mama niya.

      "Kaya tanggapin nyo si Erika sa pamamahay na ito. Kayo nga ang legal kong Pamilya pero kung pagbabasehan sa dugo Wala tayong koneksyon sa isa't isa. Trinato ko kayo ng maayos kaya dapat itrato nyo rin ng maayos ang Anak ko."

      Bumaling sa akin si Papa.  "Buntis si Erika, at ayaw kong malaglag ang Apo ko. Anak pa din kita Kaila makukuha mo pa din ang para sayo pero itrato mo ng maayos ang Bunso mong Kapatid maliwanag ba."

      Hindi sila umimik salubong lamang ang mga kilay nila na nakatitig sa akin parang naagawan sila ng laruan kung makatingin.

     "Halika Eka. Ituturo ko kung saan ka matutulog may tatlong Kuwarto dito sa Bahay at sayo yung Isa.". sumunod kami ni Paeng kay Papa, nilagpasan namin yung mag-ina.

     Walang Second floor ang Bahay pero Malaki ito kumpara sa tinitirahan namin sa Maynila. Binuksan ni Papa ang pangatlong pinto.

      "Ito ang magiging Kuwarto mo simula ngayon Eka. May mga damit ka na din diyan. Tungkol sa pag-aaral mo aasikasuhin ko pa yan. Saka wag mo na lang pansinin ang Tita Marissa mo pati Ate Kaila mo kapag may ginawa silang Hindi maganda magsabi ka lang, Anak."

      Niyakap ko si Papa. Namiss ko din naman siya. Buong Buhay ko siya lang ang kasama ko ganon din si Ninong. Ngayon alam ko na kung bakit minsan andito sa Mindanao si Papa.

     "S-salamat po. Sorry."  iyak ko.

     "Wala yon. Anak kita at Apo ko yan. Kakayanin ni Papa na sustentohan kayo. Pahinga ka na muna at magpalit ka na din nang damit. Tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako.

     Tumango ako saka sinara ni Papa ang pinto. Naglakad ako sa direksyon ng Kama saka ako umupo tumabi sa naman akin si Paeng saka umunan sa mga hita ko.

      Hinaplos ko ang ulo nito.  "Paeng, namiss ko na si Daddy Raphael nyo."

      Naging maayos naman ang pagtanggap nilang mag-ina sa akin. Alam nilang magagalit si Papa kapag may ginawa silang hindi maganda. Tatlong Buwan na ang tiyan ko medyo malaki na din. Hay, may dalawang Buwan na din pala simula ng Kunin ako ni Papa sa Poder ni Ninong. Nalaman kaya niyang Wala na ako sa Bahay namin?

I love you Ninong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon