Pinunasan ko ang mga paa ni Erika pagdating namin sa pwesto nila. Naroon ang may-ari at nag-aabang Isang Matandang Babae.
"Ikaw pala ang Asawa nitong si Erika." masayang bungad nito.
"Oho. Ako nga po, ummm Nanang tutulungan ko na lang po kayo sa pag-aayos ng mga Gulay pagkatapos isasama ko na ho Sila Erika at Paeng." sagot ko habang sinisigurado kong malinis ang mga paa ni Eka saka ko isinuot ang bagong bili kong tsinelas niya, medyo maputik na kasi Yung dati niyang tsinelas.
"Ang sweet nyong Dalawa, o sige pakitulungan na lang muna ako tapos pwede mo na silang isama pag-alis mo."
"Salamat po, Nanang."
Bumaling ako kay Eka. "Umupo ka lang dito, Rabbit. Tapos kumain ka na lang nitong binili kong tinapay Meron din diyang Orange Juice binili ko kanina hati kayo ni Paeng."
Tumango lamang si Eka saka nagpunas ng mga luha. Napangiti na lamang ako. Ibinigay ko sa kanya ang Buddy Bag ko para makapag-umpisa na ako sa pag-aayos ng mga Gulay.
Sige lang ang kain ni Eka habang masayang hinahatian nito si Paeng, parang kelan lang nung binigay ko si Paeng sa kanya at ngayon Malaki na siya, talagang inalagaan siya ng maayos ni Eka.
Pawis na pawis ako ng matapos akong magbuhat at mag-ayos ng mga Gulay. Nagulat pa ako ng tumayo si Eka saka ako pinunasan ng facetowel na nakapatong sa balikat niya.
"Pawis na pawis ka na, Raphael. Sakto may damit si Papa at kakasya yon sayo."
"Kakausapin ko ang Papa mo. Sa ayaw at sa gusto niya isasama ko na kayo pabalik ng Maynila."
"Maynila." malalim na nag-isip si Eka Bago tuluyang nagsalita. "Pwede ba nating isama si Papa?"
Nagsalubong ang mga Kilay ko. "Siya Ang dahilan kung bakit ka nasa ganitong sitwasyon diba----"
"Baldado na si Papa!"
"Ano? Baldado?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko ang alam ko malakas pa sa Kalabaw si Evan.
"Oo. Baldado na siya. Napasama ang Tama ng bala---- sa spinal cord niya kaya ang resulta Hindi na siya makakalakad pa. Ayokong Iwan si Papa dito, pababayaan lang nila ang Papa ko." ikinalawit ni Eka ang maliliit nitong braso sa bewang ko. "Please Raphael."
Pinisil ko na lamang ang dulo ng ilong nito. "Alam mo ang kahinaan ko ha. Baby si Mama tinutukso na naman si Papa."
Lalong idinikit nito ang medyo mabilog na niyang dibdib sa katawan ko. "Please Raphael..."
Nagkibit balikat na lamang ako. "Okay, panalo ka. Isasama na natin si Evan."
Tuwang tuwa si Eka kulang na Lang e magtatalon ito kung Hindi lang ito Buntis. Nagpaalam na kami sa Matandang Babae, inabot nito ang huling sahod ni Eka pero hindi na namin iyon kinuha pa nito.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Evan kapag nakita ako.
Malayo pa lang ay rinig na rinig na ang talak nang Isang galit na galit na Babae.
"Si Papa!" agad na bumilis ang mga hakbang ni Eka kaya binilisan ko na din ang lakad ko ganon din si Paeng.
Dumeretso si Eka sa loob ng Bahay masna-una siya kesa sa akin.
"Ano pong ginagawa nyo sa Papa ko!" rinig kong sigaw ni Eka kaya pumasok na din ako. Natigilan sa paglapit kay Eka ang halos kaedaran ko lang na Babae.
Nakatalikod sa direksyon ko ang wheeled chair ni Evan kaya hindi nito alam na nasa likuran lang nila ako. Gulo gulo ang buhok nito at madaming kalmot sa magkabilang braso tingin ko pinagmamalupitan na siya ng Asawa at Anak niya.
BINABASA MO ANG
I love you Ninong
RomanceNgayong araw daw ang dating ng Ninong ko kaya eto ako at kontodo suklay gusto ko Kasi g maganda ako sa paningin niya kahit madami na siyang nakitang Babae doon sa Barko dapat outstanding pa din ang Beauty ko! Crush ko si Ninong dati pa hindi ko nga...