- SINGKO -

3.1K 29 1
                                    

Erika's POV

May isang linggo na din ng  pumunta kami ni Ninong sa bahay namin medyo nasasanay na din ako na siya ang kasama ko sa bahay maasikaso si Ninong minsan naman tinuturuan niya akong magluto kaso maslamang na lage ko siyang niyayakap kapag tinuturuan niya ako kasi ang sarap niyang yakapin!

"Kumpleto na ba ang mga gamit mo sa School?"  Tanong niya habang tinutuyo si Paeng.

Tumango ako.  "Oo. Excited na ako! Bukas na ang Unang araw ng pasukan sana may makilala akong bagong kaibigan kaso baka naman i-bully lang nila ako."

"Bakit naman?"

"Kasi hindi naman ako Mayaman saka yung tinda nila doon sa Canteen nila siguradong mahal yon lahat!"

"Yon ba ang inaalala mo?"  May kinuha siya sa wallet niya saka inabot sa akin.  "Gamitin mo diyan ko ilalagay lahat ng allowance mo."

Nanlaki ang mga mata ko ATM card na nakapangalan sa akin at meron ding credit card! 

"Ninong? A-akin po ito?" Takang tanong ko.

"Kanino pa ba, diba Paeng." Saka niya kinalong si Paeng para dalhin sa kusina.  "Extension yan ng credit card ko gamitin mo kung may gusto kang bilhin."

"Pero may allowance na ako diba.

Nilingon niga ako.  "Ayokong tinitipid ang mapapangasawa ko mag-aral kang mabuti habang ako magtatrabaho ng mabuti at speaking of trabaho baka mapa-aga ang sampa ko sa Barko." Sabay ngiti niya.

"Sasampa ka sa Barko? Kala ko ba matatagalan pa? Kung ganon kami lang pala ni Paeng ang maiiwan dito sa bahay."  Maktol ko saka ko itinigil ang paglalagay ng mga gamit ko sa loob ng bago kong bag.   "Kaya binigyan mo ako ng mga ganito kasi sasampa ka na pala tapos makakalimutan mo na ako at si Paeng!" Nakangusong maktol ko.

"Teka pakiulit nga."  Bahagya pa siyang natawa.

Tumayo ako at namewang.  "Uulitin ko talaga! Ang sabi ko po sasampa ka ng Barko tapos makakalimutan mo kami ni Paeng! O yan malinaw na ha!"

Naglakad pabalik sa Sala si Ninong pagkatapos niyang pakainin si Paeng saka umupo sa sofa. 

"At bakit naman kita makakalimutan?"  Naka bungisngis niyang tanong.

"E kasi diba sa Barko legal na may umakyat na mga prost*tute o syempre maganda lahat sila kasi puro make up mukha nila tapos kung manamit pa e yung tipong kita na yung singit!"  Lumaki ang pagkakangiti ni Ninong kaya lalo akong naasar.

"Kitam! Meron nga no? Ikaw ha! Raphael ha! Sabi ko sayo kapag nagkaroon ka ng STD hinding-hindi na ako lalapit pa sayo! Kahit mahal kita never mo kong mahahawakan!" Sabay bato ko sa kanya ng throw pillow.

Sige lang ang tawa niya. Nakakaloka! Tinapos kong ligpitin ang mga gamit ko kasi bukas pasukan na saka ko siya tinalikuran.

"Saan ka pupunta?"

"Sa kwarto ko mamamalansya ako ng mga uniform ko saka i-sa-shine ko na din ang sapatos ko. Hmp! Care ko ba sayo! Nakakainis ka Raphael tinatawanan mo pa ako mukha ba akong clown! Sinasabi ko sayo kapag nambabae ka hindi mo na ko makikita!"  Padabog akong naglakad paakyat sa kwarto ko saka ko iyon ni-lock.

Akala niya ha! Subukan lang niya talaga! Pati si Paeng isasama ko!

Hinanda ko na ang mga plantsahin kong Uniform ang ganda ng kulay maroon na Cardigan kaso mukhang mahirap plantsahin eh di bale kakayanin to ng powers ko siguro malamig sa classroom namin kasi may ganito pa at white Long sleeves at may necktie pa! Bumawi naman sa palda na three inch above the knee ang haba buti na lamang at plain black ang kulay nito kaya pala ang daming cycling shorts na kulay itim ang binili ng Raphael na yon ha! Natatakot siguro siyang masilipan ako pero siya okay lang manilip! Ay hindi pala kasi libangan nila yon sa Barko! Kainis siya!

I love you Ninong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon