2

56 7 0
                                    

Boom-bara-ta-ta-ta, ta-ta-ta-ta-ta! We!

2NE1's I am the best is booming on my small apartment while I'm cleaning my small fridge.

Five months pa lang mula nang lumipat ako dito. All my life, nakatira ako kasama ng family ko. There's really no need to move out per se. I just want to experience living alone now that I can somehow afford to do so and I needed a quiet place to work. There's a sense of independence and freedom although madalas pa rin naman akong bumisita sa bahay.

After paying all our debts, hinati ko sa tatlo ang natira. I gave my mom a part of it. Tapos nagpadala ako ng mga regalo sa mga pinsan at ibang relatives ko. Another part went to the bank for emergency funds. The third part, ginagamit ko sa araw-araw. Pero kumikita naman rin ako dahil sa ghostwriting sideline ko.

Nagsusulat ako ng ilang libro ng mga artista. They just say na sila nagsulat but, if you're a celebrity, may oras ka pa ba para magsulat? But it's their concept; they tell me what they want to be included in the books. It's like, they're still the soul of the book, and I just embodied them through my words.

Sa ngayon ay may tatlong celebrity books na akong nasulat. It takes me at least 3-4 months for one book dahil kailangan ko rin mag research at syempre scheduled ang meeting ko with the 'author' kaya ganoon. Bukod sa ghostwriting services fee ay may hati rin ako sa royalty. So overall ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. All the books I ghostwrited are doing well since endorsed na ng mismong 'author' ay marunong rin talaga mag market ang Publishing Company.

Pagkatapos ko maglinis ng fridge ay naligo ako at bumalik na sa pagsusulat. Hindi ko pa tapos ang overall story/plot. I wanted to top Something About Summer, title ng movie na kakapalabas pa lang but I don't want to pressure myself. Gusto ko lang naman magkaroon ng career. I don't need to be famous or well known.

Macy: Ready ka na sa Friday? Daanan ka na lang ng van since dyan naman ang daan.

Napaisip ako sandali after mabasa ang text ni Macy. Aside kasi sa victory party for the success of Something About Summer three days ago, may outing pa raw this Saturday. This time ay ang mga artista at bilang na staff at contributors na lang ang kasama. Si Macy ang pinag plano and Boss Martin specifically invited me.

Me: I'll see. Hindi ko sure.

Hindi agad nag response si Macy so I continued blasting KPOP songs on my speaker. This time ay mga AOA songs naman ang sunod-sunod na tumutugtog.

Macy: Bruha ka. Kakasabi pa lang sa akin ni boss Martin na hindi pwedeng hindi ka kasama.

I sighed. Sa edad ko kasi, hindi na ako masyadong excited sa mga gathering na ganito. I mostly want to be alone. Kapag kailangan ko ng kausap, I still have a few friends that I can call na hindi ako iniwan noong panahon na sobrang lubog ako. Doon ko nakita kung sino talaga ang dapat na pasalamatan ko, eh.

But I don't want Boss Martin to think na tinatanggihan ko sya. He's, our boss. Personal nyang binasa ang story na Something About Summer. He liked it. Even his wife liked it. Pinatawag nya ako at kinausap. He wanted to produce it into a movie. I was nervous at first. Hindi naman kasi ganoon karami ang readers ng Something About Summer. Unlike other stories that went viral, ayoko sana ibigay dahil ayokong maging dahilan kung mag fail ang movie.

Pero si Boss Martin ang nag convince sa akin na maganda at may potential ang story ko. He made me join a scriptwriting workshop and he made me translate the story into a script. Marami akong idinagdag na dialogue. Naka apat na revise pa ako bago tuluyang tanggapin ni Boss Martin ang script na ginawa ko.

I even thought na indie movie lang ang gagawin sa Something About Summer. Nagulat na lang ako nang makita ko ang contract.

Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Boss Martin. I don't want to disappoint him.

Yup! I'm That NoonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon