Hindi na ako nakapagsalita dahil pinutol na ni Jiyong ang linya. I just stood there, frozen. Nag blank ang utak ko ng ilang Segundo before it dawned to me na seryoso si Jiyong. Pupunta sya dito. Agad kong liningon si Terry na sumisimsim sa iced coffee nya.
What the hell?
I tried calling Jiyong back pero hindi nya sinasagot.
Me: Ano bang trip mo? Bakit ka pupunta dito?
Me: Magreply ka kaya.
Me: Jiyong!
Tinitigan ko lang ang mga messages ko na nagdedeliver pero hindi nya siniseen.
I bit my lower lip.
How can I explain to Terry what's going on?
I calmed myself down. Bahala na. I'm in this mess anyway. Eh ano kung malaman ni Terry na close na kami ni Jiyong? I mean... natural lang naman 'yon. Terry knew na kasama ko si Jiyong bumalik sa Manila noong nag victory outing kami. So, I guess, it will not be surprising kung maging close man kami.
Hindi ko na namalayan na ang tagal ko na pala na naka tayo sa labas kaya lumabas na rin si Terry at tinawag ako.
"Are you okay? Kanina ka pa naka tayo kasi." Nagtataka na tanong nya nang lumapit na sya sa akin.
I forced a smile. "M-may naalala lang ako." Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung ano ang pwede kong sabihin kay Terry dahil darating nga si Jiyong.
Ngayon ko naisip na Jiyong probably saw my post on IG, and he saw kung nasaan kami ngayon kaya hindi na sya nagtanong ng exact location. He just asked me if I am still in Tagaytay!
"Want to talk about it?" Naging seryoso ang expression ni Terry bigla.
I chuckled. "Huy, hindi. I'm good."
He sighed, looking rrelieved. "I was worried for a second."
"Wala, I swear. Pasok na tayo ulit?" Natatawa na sagot ko.
He nods and we both went back inside to our seats.
I am still anxious dahil iniisip ko pa rin kung paano ko ieexplain kay Terry na darating si Jiyong. Nakipag kwentuhan ako sa kanya na parang wala akong iniisip na iba but then I really cannot surprise him kapag dumating na si Jiyong.
Terry has to know. Sya ang nag-aya sa akin dito and if darating si Jiyong, at least alam man lang nya.
"I need to tell you something." Mahinang sabi ko.
Napa straight ng upo si Terry. "Huh? What is it?"
I licked my lower lip as if it will make everything better. "This is weird."
"What is weird?" Nangunot ang noo nya.
"Jiyong said na pupunta raw sya dito. Ngayon."
Terry blinked a few times. "Ha? Jiyong?"
Tumango ako na medyo naka ngiwi. "Y-Yes, Jiyong."
"Jiyong? The Jiyong we know?" Hindi pa rin makapaniwala na tanong nya.
Tumango ako ulit.
"Bakit daw? Ano meron?"
I licked my lower lip again. "I don't know. Sabi nya lang pupunta sya."
Hindi sumagot si Terry. He looked like he was in a deep thought. Hindi na ako ulit nagsalita at hinayaan lang sya. I don't know what he's thinking pero sana hindi nya masamain.
"Oh," Biglang sabi nya at tumingin sa akin. "You two are close now, right?"
"O-oo," Hindi ko alam bakit nahihiya ako. Eh iyon naman talaga ang totoo.
BINABASA MO ANG
Yup! I'm That Noona
RomanceImagine: A younger former KPOP idol now living in the Philippines just confessed that he likes you.