4

41 8 2
                                    

"Maraming beses pa mauulit 'tong outing kapag may blockbuster ulit na script at story si Savannah!" Medyo lasing na si Boss Martin nang isigaw nya iyon kaya kahit na gusto kong mainis dahil pressured na nga ako ay mas nadagdagan pa, nakitawa na lang ako sa kanila.

Pasado alas onse na ng gabi at kanina pa kami umiinom sa tabing dagat pagkatapos naming mag dinner. May ginawang bonfire ang mga staff ng resort at sa paligid kami uminom. Dahil hindi namin naanticipate na malalakas pala uminom ang mga kasama namin ay nagkaubusan ng beer in can kanina.

Lalabas na sana ang iba para mamili nang sabihin ni Jiyong na may dala syang alak. Lo and behold, pagbalik nya mula sa pagkuha nya sa kotse nya ay nakita namin na tatlong box ng Jack Daniel's ang dala nya. May ilang bote ng malalaking softdrinks pa kami kaya tamang tama.

"Kaya kayo, alagaan nyo si Savannah para hindi lumipat." Dagdag pa ni Boss Martin.

Nagtawanan kaming lahat. Tatlong taon lang kasi ang contract ko sa kanila. After that, well, I can either sign again at White Wolf, sign at other company or do freelance. Sa ngayon ay pinag-iisipan ko mag freelance although wala naman akong problema sa White Wolf ngayon pwera sa pressure. Takot na ako dati pumirma ng exclusive contract dahil sa not so pleasant experience ko before.

Pero dahil binigyan nila ako ng chance, ano ba naman iyong tatlong taon na pagtitiis kung sakaling hindi ko magustuhan. Good thing na so far, so good. Pressured lang talaga ako ngayon at pangit sa pakiramdam na madaming umaasa sa'yo. Ang dami kong doubts.

"Love tayo nyan ni Savannah kaya hindi 'yan lilipat." Biro naman ni Kira.

Tumawa lang ako. Ayoko magsalita o sumagot dahil baka mamisinterpret lalo na at halos lahat ay tipsy na.

"Si Jiyong ulit gawing bida. Ang benta, eh." Si Alyssa naman ang nagsalita. She seemed to be drunker than the others. Nakasandal na sya kay Kira at refil lang sya ng refil ng jackcoke.

"Uy, pwede! Isa rin sa reason talaga na nakita ko is dahil kay Jiyong." Ani Allen. Katabi nya si Jiyong at tinapik nya ang balikat nito.

"Well, what can you say, Ji?" Tanong naman ni Boss Martin. Nabaling na ang atensyon kay Jiyong. Pansin ko kanina na sunod-sunod syang uminom pero parang wala pa syang tama.

He smiled tapos parang nahihiya na tumango. "How can I say no? Ang bait nyo lahat sa akin and it will be an honor... kung pipiliin nyo ako ulit, lalo na si Savannah." Bigla syang tumingin sa akin.

Tipsy na ako, aminado ako doon, pero ramdam ko ang intense ng tingin nya sa akin. Kumabog ang dibdib ko nang sa akin na sila ulit naka tingin.

"Ano, Sav? Si Jiyong na nag-aalok ng sarili nya." Humagikghik si Alyssa.

"Ah, s-sure. Sure. Why not." Pressured! Damn it. Kung ganito pala mangyayari sana di na lang ako sumama. Everyone expects me to do one thing and then one thing again.

Hindi ko naiwasan na pasimpleng irapan si Jiyong. Dumagdag pa sya sa pressure na nararamdaman ko. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Parang gusto ko magtampo kay Jiyong when we're not even close to begin with.

Bumuntong hininga ako at nagpaalam na magbabanyo. Plano ko na magpalipas ng pagka tipsy kaya pupunta muna sana ako sa kwarto. Kinailangan kong humawak sa pader nang makapasok na ako sa building dahil nahihilo na talaga ako. Nagkunwari lang akong strong sa labas dahil ayaw kong maasar.

Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako nang makita ko na nakatayo sa harap ng pinto si Jiyong. Seryoso ang mukha nya at nakatitig sya sa akin.

"Bakit ka nandito?" Hindi ko mapigilan langkapan ng inis ang boses ko. I pushed him softly para makadaan ako pero hinawakan nya ang kamay ko.

Yup! I'm That NoonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon