Vien: Guess what?
Nangunot ang noo ko nang magising ako at may natanggap akong message from Vien. She's my bestfriend who is currently in Japan. Six years ago, nag migrate sya doon dahil Japanese ang napangasawa nya. She's half Japanese as well. Mama nya na Japanese ang nag introduce sa kanya sa napangasawa nya.
Bihira na lang kami mag-usap but we've been lowkey like that ever since. Kahit noong nasa Pilipinas pa sya, hindi kami araw-araw nag-uusap. Magkaka ayaan na lang kaming magkita and we'll hit it off like we were in college.
Me: Kakagising ko lang. Ano na naman 'yan?
One thing I know kaya kami nagkasundo talaga ay pareho kaming chill at go with the flow. Between Vien and I, mas maloko sya sa akin kaya iniisip ko na may kalokohan na naman syang sasabihin dahil sa message nya.
Vien: Grabe naman! Nandito na ako sa Pinas. Di mo man lang ba ako kikitain????
Me: Nakailang uwi ka na sa Pinas. Oo na lang.
Ilang beses nya na akong biniro kaya I won't fall for it. Again.
Maalinsangan kaya pagkabangon ko, nag inat lang ako at nag shower. Until matanggap ko ang feedback sa first part ng script na ginawa ko ay wala pa akong gagawin ulit. I was actually looking for a passion project para may pagkaka abalahan ako.
Hinihintay ko na lang rin na maipadala nila Ciara at Cheska ang revised contract. Sinunod ko ang sinabi ni Attorney de Guian na two years na muna ang ilagay sa kontrata. Ciara and Cheska said na usually five years talaga ang gusto nila at non-negotiable but they gave me an excepmtion which I am thankful.
4 missed calls.
Lahat ay kay Vien. Nakita ko iyon nang makapag bihis na ako.
This time ay ako na ang tumawag. Video call.
She answered. Naka higa sya at mukhang pagod.
She smiled then imbes na magsalita ay ipinakita nya ang paligid nya. I gasped. Nanlaki rin ang mga mata ko.
"Hoy! Ano nga? Nasa Pinas ka na talaga?" Hindi makapaniwala na sabi ko.
Tumawa sya at humarap na sa camera. "Oo nga! Sabi ko sayo, eh."
"Eh pano ilang beses mo na akong na prank, gaga ka!" Inirapan ko sya.
Ang lakas ulit ng tawa ni Vien. "Sorry na! Kita tayo mamaya. Kakarating ko pa lang sa bahay from NAIA."
"Saan? Anong oras? Kakagising ko lang rin."
"May restaurant sila Kiguchi sa Makati. Mag dinner tayo doon and bahala na after?" Kiguchi is his Japanese husband. I know na nasa food business talaga ang pamilya ng napangasawa ni Vien.
"Japanese restaurant?"
"Yes. Family owned nila. Dinadagsa 'yon palagi kahit weekdays kaya magpapa reserve ako. Tatawag ako doon."
I nod in excitement. "Sige! Gaga ka talaga kala ko prank na naman!"
"Marami akong chismis, babawi na lang ako sayo, okay?" Malapad ang ngiti na sabi nya pa.
"Aba dapat lang! Sige na, matulog ka na muna. Send mo 'yung pangalan ng restaurant."
"Mga alas otso siguro or earlier. I'll message you!"
"Okay, fine! See you!"
After our call, nanuod lang ako ng mga movies sa Netflix while munching on my brunch.
Namimili na ako ng isusuot ko mamaya when my phone rang. It's Jiyong.
"Hello, babe. Are you home?" Shiver ran down my spine upon hearing his voice. Ilang beses nya na akong tinatawag na 'babe' but every time feels like the first time.
BINABASA MO ANG
Yup! I'm That Noona
RomanceImagine: A younger former KPOP idol now living in the Philippines just confessed that he likes you.