18

50 10 0
                                    

Nakuntento ako tumingin tingin sa social media accounts ni Jiyong for updates. We talk frequently, he updates me with his schedules. Kusa nya iyong ginagawa at naaappreciate ko naman kaya ganoon na lang rin ang ginagawa ko.

It's been almost three weeks since we saw each other and I hate to admit that missing him is taking its toll on me. Lalo na ngayon na puro lang ako paghihintay sa result ng evaluation. Kinakabahan rin ako kahit na may back up plots ako.

What if abutin ng buwan o ilang buwan ang evalutation tapos walang pumasa sa pinasa ko? It pains me that I feel like I am wasting time. Hindi naman ako pwedeng pumasok sa ibang project or agreement dahil once na magtuloy tuloy na ang project na ito, hindi na ako makakapag commit.

So, I am torn. I am continuing some of my on-going works pero hindi ako ganoon ka enthusiastic dahil iniisip ko 'yung sa SCAED.

Inaya ako nila Cheska at Ciara mag club and I said yes dahil pakiramdam ko ay deserve ko mag unwind. Nasa mood rin ako uminom.

"This is Michael and Jihoon." May kasama silang dalawang mukhang mas bata sa amin na mga lalaki. "Michael's our cousin and Jihoon is his friend."

Okay lang naman. The more, the merrier.

Jihoon is obviously a Korean pero nakakapag tagalog rin, but not as fluent as Jiyong. He's mostly talking in English.

I don't have plans of dancing; I just wanted a drink. Ako lang madalas ang naka upo sa couch namin dahil sumasayaw at umaalis alis sila sa pwesto. I posted a few stories on my socials.

After about an hour, I received a private message from Helena. Nandito rin daw sya sa same club. She's asking kung nasaan ako.

Amid the fact na alam kong malaki ang chance na maging awkward ang pagkikita naming dalawa, I still decided na makipag kita. I can feel a little numbness on my arms but I am still good. I told her na sa labas kami magkita.

Binulungan ko si Ciara na lalabas lang ako sandali.

It feels refreshing when I got out of the club. I stood at the corner and sent Helena a message kung nasaan ako. Not long and I saw her running towards me. Halatang naka inom na sya, malamlam na ang kanyang mga mata at medyo halata na sa pag galaw nya.

"Okay ka lang ba? You seemed drunk," Agad na sabi ko na sinalo pa sya nang makalapit na sya.

Umiling sya. "Nope, I am good! It was nice seeing you here!" Yinakap nya ako. Despite the smell of liquor, mabango pa rin si Helena. She's wearing a tight black dress na may slit ang hita at mga sleeves. Nakalugay lang ang mahaba nyang buhok pero flat na flat pa rin iyon.

"Same here," Sabi ko naman.

"Kasama mo si Ji?" Tanong nya nang maghiwalay na kami.

"Nope. I'm with my friends. Ikaw?"

"Friends rin. Bakit hindi mo kasama si Ji?"

Tumawa ako. "We're not always together,"

"But he wants to, right?"

I smiled at her. "Let's not talk about him na lang,"

Helena sighed. "I'm sorry. I know I shouldn't even be talking about him as a respect sa inyo. I don't know why I am doing this," Lumaylay ang kanyang mga balikat.

"Helena,"

"Siguro I just want to tell you na I don't have any plan of doing something sa inyo. Matagal ko nang alam na gusto ka ni Jiyong." Tumingin sya sa akin at mapaklang ngumiti. "Kapag nasa set ka, palagi syang naka tingin sayo, palagi ko syang nahuhuli. At first, I didn't know what it was. Pero gumaganda ang mood nya kapag nandoon ka."

Yup! I'm That NoonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon