28.

42 7 2
                                    

15 missed calls

Nag banyo kami ni Vien after spending a few hours in the casino bago sana kami umakyat pabalik sa suite namin. Nawala na sa isip ko na tingnan tingnan ang cellphone ko. I guess, no matter how I said that I don't want this to be a big deal, I am still a bit upset.

"Shit," Naka silent pala ang phone ko at hindi rin naka on ang vibrate mode.

I called Jiyong back. Hindi ko alam kung nasaan na sya o kung tutuloy pa sya.

"Where are you? Why aren't you answering my calls?" Iyon ang bungad nya after one ring. He sounds annoyed. Honestly, hindi ko naman sya masisisi. Naka fifteen missed calls sya. Hindi rin ako nag message na magcacasino muna kami ni Vien.

"Casino. Ikaw?" Ang tanging sagot ko.

"I am on the way."

"Okay."

I heard him sign. "You talked to Kuys? He explained the situation, right?"

"Yeah," Walang gana na sagot ko.

"I'll be there in about ten to fifteen minutes, I think."

"Sige. Ingat."

Ako na ang nagputol ng linya.

Tahimik lang ako hanggang makabalik na kami sa suite.

"Oo nga pala! Ano na nangyare kay Jiyong?" Sabi ni Vien nang sabay kaming humiga sa kama. Naka upo lang kami sa casino but why does it feel exhausting?

"He called. He's on the way,"

"Buti naman. Akala ko magcacancel, eh."

"Never pa naman sya nag cancel ng lakad namin, at ngayon lang talaga sya nagka aberya ng ganyan so I am letting him pass." I forced a smile.

"Besides, trabaho nya naman 'yon, hindi ba? Ikaw naman nagsabi na naiintindihan mo situation nya. It's not like he cheated or something." Natatawa na sabi ni Vien.

"I know. Kaya ako pa nagi-guilty na gusto ko mag tampo," Sabi ko nan aka titig sa kisame.

"Nah, hindi ka lang siguro sanay. Kasi nga ngayon lang sya nagka aberya. Sanay ka na palagi syang punctual at available sayo."

Hindi ako sumagot. May point si Vien kaya lalong nakaka guilty.

Tinapik nya ang braso ko bago sya bumangon at umupo paharap sa akin. "Hey, it's fine. Stop sulking! Pagdating nya dito, for sure mawawala rin ang inis o tampo mo. Ganyan na ganyan ako sa asawa ko." Naka ngisi na sabi nya.

Bumangon at umupo rin ako paharap sa kanya. "Whatever. Siguro nga."

After a while, may kumatok na sa suite namin. I opened the door and Jiyong wearing a white hoodie with his hood on and an aviator welcomed me. I looked down and saw na parehong may dala ang mga kamay nya.

"Hey, babe!" Masiglang bati nya.

I smiled at him and got one of the plastic bags he was carrying. "Pasok,"

He came inside. "Where's Vien?" He asked nang mapansin na wala si Vien sa paligid.

"Bathroom."

Instead of answering me, lumapit sya at yinakap ako mula sa likod nang maibaba na naming dalawa ang mga dala nya sa kitchen.

"I'm sorry. Duty calls."

I sighed. "It's okay,"

"I'll make it up to you, okay?"

Humarapa ko sa kanya. "It's okay. I get it,"

"Aba! PDA na agad!" Rinig naming sabi ni Vien nang makalabas na sya sa banyo.

Yup! I'm That NoonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon