8

49 11 0
                                    

 "Ano yan? Bakit ang dami?" Bulalas ko nang maglapag ng dalawang box ng pizza, drinks at ilang paper bag sa harap ko si Macy. I automatically closed the screen of my laptop.

"Pabili 'yan ni boss Martin. Minsan ka lang naman daw dito at para lalo ka ma-inspire." Natatawa na sabi ni Macy.

"Ang dami! Tulungan nyo ako dito." Sabi ko habang inilalabas ni Macy ang ibang pagkain from the paper bags. May lasagna, may roasted chicken, may cupcakes, iced coffee at soift drinks.

"Busog pa nga kami, pero mamaya, susugod kami dito."

"Paki sabi kay boss Martin, salamat, ha?" Natatawa na sabi ko. After I saw the food, tsaka ko lang na realize na gutom na ako. Pasado ala una na pala ng hapon. Masyado akong engrossed sa mga ginagawa ko.

Macy left with an iced coffee in her hand. Babalik na sya sa floor nila.

Mag isa lang ako dito sa conference room. Ito lang ang pinaka available na gamitin ko ngayon. The table is too big but it's comfortable since air-conditioned and tahimik. May glass walls rin kung saan tinakpan ko ang kalahati ng heavy blinds.

Since I get distracted easily, at problema ko rin talaga na putol putol madalas ang train of thoughts ko, I am watching random movies or dramas in between typing. Aside from the next story that I want to aubmit, may iba pa akong ginagawang story on the side. I don't waste ideas. Kapag may plot or scene akong naisip, as much as possible, I'd have to type or write it down.

I decided to work sa office ng White Wolf Media today. Ilanga raw na akong hindi lumalabas and I feel bored. I want to see or talk to other people.

I took a photo of the food and drinks on the table then posted it. Nag thank you ako kay boss Martin at kay Macy kasi sya ang bumili at nagdala. And then I posted a story of my selfie na kita ang laptop ko at pagkain ko sa background.

Jiyong: I miss you. I want to see you.

Jiyong replied to my story after a few minutes.

Parang nalaglag ang puso ko nang mabasa ko iyon.

Ilang araw na hindi sya nagparamdam. Well, not that I am expecting him to message me everyday or anything kasi alam ko naman kung gaano sya karaming ginagawa. And we don't have an understanding or anything.

He told me he likes me and I still don't know what to do about that.

Me: Kapag hindi ka na busy.

Pretending that I don't want to see him is futile. But at the same time, I don't want him to think that I am eager to be with him. He's a nice company kahit na medyo naiintimidate ako sa kanya. Not just because of his status, but also, dahil sa physical na itsura nya.

He looks so freaking good. And I mean, really really good! Maputi, makinis, matangos ang ilong, singkit ang mga mata with matching makapal na mga kilay. He has natural red lips. Hindi makapal, hindi manipis. Bagay na bagay sa kanya ang hairstyle nya na parang sa mga bidang lalaki sa mga anime mo makikita.

Five feet and six inches ang tangkad ko, yet he's towering over me. He's probably five feet ten inches or more. He's also very lean. Right muscles at the right places. Hindi ko lang sure kung maintained nya ang abs nya but I don't care. May nakita kasi akong photos nya from a photoshoot he did with a luxury brand a few months ago. May abs sya doon.

Even his aura is very intimidating. I am drawn to him kahit na mag deny ako.

I don't know where this would go.

Jiyong: I'll be home tomorrow night.

Tinitigan ko ang response nya. Wala naman sya ibang sinabi, so hindi ko alam ang sasabihin. Ayoko mag initiate ng place or time. Besides, sya itong hectic ang schedule. I can adjust.

Yup! I'm That NoonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon