Kami ni Terry ang natoka sa pag-iihaw habang may kanya kanyang gawain ang iba. May malaking tent sa beach at doon kami lahat nag stay. May mga upuan naman din at table. May apat na malalaking bangus at ilang kilo ng marinated na karne kaming iihawin. May ilang talong rin. Sila Macy naman ang natoka sa pagsasaing. May malaking rice cooker ang resort na kasama sa nirentahan namin.
May mga pre-cooked food rin na dala katulad ng spaghetti, fried chicken, lumpiang shanghai at red velvet cupcakes na gawa mismo ng isa sa mga staff.
"You can rest. Tatlong pirasong porkchop na lang naman 'to. Let me finish this." Maya-maya ay sabi ni Terry.
"Sure ka?" Tanong ko naman. Although gusto ko na makipag kwentuhan kila Macy ay ayoko naman na iwanan si Terry.
"Oo naman. Go." Nakangiti na siniko pa ako ni Terry.
Ngumiti rin ako. "Okay, thanks."
Mabilis akong pumunta sa kumpol nila Macy. Handa na ang lahat ng pagkain at nakaayos na rin ang table at ang mga utensils. Ang porkchop na lang ang hinihintay. Kanya kanya kami ng kumpol. Si Boss Martin and a few are inside, kaming mostly mga staff lang ang nandito.
Tumingin ako sa paligid kasi hindi ko makita si Ji Yong. Napansin ko na lang na palabas sya ng building. Naka itim na Nike sando na lang sya at naka itim rin na surf shorts. Lalong tumingkad ang kaputian nya dahil sa suot nya. His biceps is also saying hello. Maganda at fit ang katawan ni Ji Yong, unlike other typical KPOP idols. But he doesn't look bulky at all, bumagay sa tangkad nya ang laki at ganda ng katawan nya.
Lumapit sya sa cooler at kumuha ng inumin. Just then ay naalala ko na curious ako kung saan na ang accommodation ni Ji Yong. Kaya kinausap ko agad si Macy.
"Oo nga pala, saan na sya matutulog?" Tanong ko kay Macy at pasimpleng inginuso si Ji Yong.
"Pumayag sya na sa extra matress sa room nila Allen." Tukoy ni Macy sa isa sa mga camera men namin.
Medyo nagulat ako. "Talaga? Okay lang sa kanya?"
Tumango si Macy. "Mukha lang syang maarte pero hindi naman. Sya pa nga nag suggest. Nag offer si Allen na si Ji Yong na sa kama pero sabi ni Ji Yong, okay sa kanya sa sahig na lang. May mattress naman at kasalanan nya naman daw kasi late sya nagsabi."
Tumango tango ako. Not that I see him always acting like a primmadona pero nagulat talaga ako. I just think that he's used in luxury and first rate treatment that I never thought he'd be okay with it. Oh well, edi okay rin kasi alam nya at aminado sya na kasalanan nya naman.
"Ji, halika. Gusto mo na ba kumain?" Nagulat ako nang tawagin ni Alyssa si Ji Yong sa kumpol namin. Isa rin sa mga scriptwriter si Alyssa. She's one of the OG in the company.
Holding the water bottle he drank from, unti unting lumapit sa amin si Ji Yong. I was looking at his direction when our eyes suddenly met. Para akong nakuryente na ewan kaya mabilis akong umiwas at tumingin kay Macy. What the hell was that?
"Gutom ka na ba? Kumain ka na." Sabi ni Alyssa nang makalapit na si Ji Yong. By this time ay kay Macy na lang ako nakatingin. Bigla akong kinilabutan sa nangyaring eye contact kanina.
"Kayo?" Medyo paos si Ji Yong. He got this bedroom voice going on.
Umusog si Alyssa para paupuin si Ji Yong pero nagulat ako nang biglang naramdaman ko na sa tabi ko sya umupo. Napaurong ako palapit kay Macy dahil alam ko na masikip na sa side ko. Kung nagulat man si Alyssa at ang iba ay hindi ko alam dahil nakayuko na lang ako.
"Patapos na si Terry sa pag-ihaw. Tapos sabay sabay na kami mamaya." Sagot ni Alyssa.
"I'll just join you guys, then." Casual lang na sabi ni Ji Yong.
BINABASA MO ANG
Yup! I'm That Noona
RomanceImagine: A younger former KPOP idol now living in the Philippines just confessed that he likes you.