gade.dg15 tagged you in a photo.
I wasn't mad. Maganda ang pagkaka kuha ng waiter sa photos naming dalawa. Ang nakakahiya lang ay puro solo photos lang ni Gade ang sinundan ng picture naming dalawa. Ang lakas ng tawa ko nang mabasa ko ang caption. NOTED. One-word pero inside joke na naming dalawa iyon.
Anyway, hindi ako nagkamali dahil nag message sa akin sila Cheska at Ciara at binanggit na nagulat raw sila kay Gade. Pwede daw maging artista.
I shared our photo on my story and put the caption Attorney Pogi.
Jiyong: Sino 'yan???
I was so engrossed with the series I was watching kaya late ko na nabasa ang reply ni Jiyong sa story ko.
Me: Lawyer ko.
Jiyong: Lawyer for what?
Me: Business.
Jiyong: Ok.
I posted Gade and I's photo on my dump private account. Puro photos naming dalawa ni Jiyong or stolen shots na kuha ko kay Jiyong ang nandoon. I followed my public account on that account.
Jiyong: Punta ka sa bahay babe? Are you busy?
Maya maya ay nag message ulit si Jiyong.
Me: Hindi naman. Anong oras ka uuwi?
Jiyong: Probably around two but you can come earlier. I want you there when I come home. Please.
May paawang emoji pa sya.
Me: See you.
Jiyong: Kuys will be there, just tell him what time ka pupunta.
Me: Di mo ba sya kasama?
Jiyong: He can go first. Nasa studio lang ako mamaya.
Me: Okay babe.
I sent kuya Manuel a message na mga ten ng gabi ako makaka punta. He replied na magkita na lang kami sa lobby just like before.
I continued watching hanggang sa gumabi na. Nagluto ako ng fried rice at nag ulam ako ng tocino. Marami akong nakain contrary sa plano ko na doon na lang ako sana kakain ng marami. I plan na magluto doon.
Sinabi ko kay kuya Manuel na dadaan pala ako sa grocery malapit doon bago kami magkita sa lobby kaya medyo mapapa aga ako. Sya ang nag offer na sasamahan nya na lang raw ako kaya magsabi ako kapag papunta na ako.
After eating, inayos ko ang gamit ko. I decided to bring my laptop.
Sa tapat na ng supermarket kami nagkita ni kuya Manuel.
"Okay lang po ba na pinauna ka nya na? Hindi po ba sya mahihirapan na wala ka doon?"
"Nasa studio lang naman sya. Usually, kapag recording hindi nya naman na ako pinapag stay, kapag may kailangan lang sya pero sinasabi nya na beforehand."
"I see. Nagrerecord po ba sya ng kanta nya?"
"Hindi. Studio nya 'yon pero may mga clients sya na nagpapa produce sa kanya ng kanta, tapos doon nagrerecord. Tapos na sya mag record nung kanya, inaayos nya na lang for relase. Wala pang date, eh."
"I didn't know that."
Tumawa si kuya Manuel. "Kung ikaw nagsusulat ng script at story, sya naman nagsusulat ng kanta."
"Tapos singer, dancer at artista pa sya. Talented ng alaga nyo, kuya."
"Businessman din 'yon."
"Ano pang business nya?" Nakapasok na kami sa loob ng supermarket habang nagkukwentuhan. Si kuya Manuel na ang kumuha ng maliit na cart.
BINABASA MO ANG
Yup! I'm That Noona
RomanceImagine: A younger former KPOP idol now living in the Philippines just confessed that he likes you.