24

38 9 1
                                    


Hyun Mido.

I can't help it. I had to look for information about her nang makauwi na ako. Inuna ko pa iyon kesa magluto ng kakainin ko.

I am genuinely curious. Kung totoo mang ex sya ni Jiyong, that fact doesn't bother me that much. I feel like I just want to know her kahit online lang. I want to know her as someone na connectred kay Jiyong.

She's been under SCAED for seven years! That was long, huh? She started with minor roles sa dramas and movies pero malakas sya sa music video. May pitong MV na credited sa kanya. Isang kanta ng V1P3R. I had to look for it and watch it.

Lo and behold, sila ni Jiyong ang partner. Payat at iba pa ang itsura ni Jiyong pati ng ibang member ng V1P3R probably kasi kaka debut lang nila halos. In fairness, hindi lang naman puro ganda si Mido. She can really act. I also watch the other music videos that she's in.

Maikli na ang buhok nya ngayon at blonde. In my opinion mas bumagay sa kanya ang itsura nya ngayon. Although hindi ko nakita masyado ang mukha nya sa airport photos dahil malaki ang suot nyang sunglass at naka cap din sya. The short blonde hair is the only distinct charateristics I saw.

Magkukwento kaya si Jiyong about her kapag tinanong ko sya?

I want to try. Baka naman comfortable na rin sya sa akin para magkwento na sya kahit kaunti? I immediately sent him a message.

Me: Ex mo daw 'to?

I sent him the screenshot of the airport shots of Mido.

Nakita ko na nag seen sya bago ako mag exit. I waited for him to response pero ilang minute na ay wala pa rin so nag exit na lang ako. Magrereply naman yon.

Nag post na lang ako ng story. I took a shot of my bed. Pinalitan ko kasi ang bed sheet at pillowcase ko. Sarap matulog kapag bagong palit ang bed sheet at pillowcase!

I also stalked Mido's insta. She has four million followers. Puro photoshoots at product endorsement rin ang posts nya pero may story sya ng view from her hotel room na halos kaka post lang.

After a while, I checked my message to Jiyong. Wala pa rin response. Oh, well.

Kumakain na ako ng ininit kong leftover na lasagna nang magulat ako dahil narinig ko na tumunog ang electronic lock ng pinto. I froze. My eyes just landed on the door, kabado kung sino iyon.

In a few seconds, Jiyong emerged. He came in.

"What the hell? Akala ko kung sino!" Bulalas ko. I stood up, holding the bowl of lasagna.

"I'm sorry if I came unannounced," Humihingal pa na sabi nya. Para syang tumakbo na ewan. He's wearing a white button up na naka tuck in sa itim na slacks nya. Parang galing sya sa meeting or something.

"Bakit? Akala ko ba may trabaho ka?" Gulat na gulat pa rin ako.

Mabilis syang naglakad towards me. "Mido is not my ex,"

Napakurap ako. "H-ha?"

"Mido is not my ex. You asked me, right?"

I almost chocked. "Pumunta ka dito para sabihin 'yan? You could have told me via message!" nakangiwi na sagot ko.

Umiling sya. "No, I want to tell you personally that she's not my ex. We were just close, people assumed, and then it became fact for them."

I licked my lower lip. "O-okay," Hindi pa rin ako makagalaw. I am still holding the bowl of lasagna at naka titig lang ako sa kanya.

"Do you believe me?" Intense ang tingin na binibigay nya sa akin.

Tumango ako. "Of course,"

He smiled slowly. "Alright, good."

Yup! I'm That NoonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon