Hindi ako mapakali. I didn't know why I agreed to meet with him but here I am. Inagahan ko talaga dahil gusto ko na ako ang mauna. Nakalagay sa isang paper bag ang strawberries. Umorder na rin ako ng mango shake kahit gusto kong mag kape. Pero baka lalo akong hindi mapakali.
He sent me the address of this café. Wala daw masyadong tao dito and he frequents here. Alam nya siguro na mag-iisip na naman ako na baka may maka kilala sa kanya.
He arrived after twenty minutes. Nakita ko ang sasakyan nya habang pinaparada nya.
He was wearing a gray jogging pants and a black plain t-shirt. Naka itim na cap rin sya at itim na sliders. Kumaway pa sya sa akin nang makita nya na naka tingin ako sa kanya from the glass walls of the café.
This is a pretty huge coffee shop. May second floor pa. pasado alas nueve na ng gabi at apat lang na mesa ang occupied, kasama na ang kinauupuan ko. Tama nga si Jiyong. This is a good spot to chill if you're a celebrity.
"Oh. Umorder ka na pala," He sound disappointed upon seeing the half empty mango shake on the table. His scent assaulted my nose. Subtle lang iyon, pero mabango.
He looked so fresh. Halatang bagong shower. Parang ang sarap yakapin.
Damn my intrusive thoughts!
"Oorder ako ulit. Nahiya lang ako ng tumambay na walang inoorder." Nahihiyang sabi ko na lang.
"You're pretty early nga," Nagkamot sya ng ulo.
I grinned.
"Do you want coffee? I'll order for us," Hindi na sya umupo. Inilapag nya na lang ang susi ng sasakyan nya sa mesa while his wallet is on his hand.
"I-Ikaw na ang bahala. Maliit lang and iced."
Tumango sya bago naglakad papunta sa counter.
Sinundan ko lang sya ng tingin. Kita ko na magiliw syang inasikaso ng mga barista. Mukhang kilala na nga sya dito.
When he told me to meet him here, tinanong ko kung wala ba syang trabaho ngayon.
Rest day nya daw. Kaninang umaga na raw natapos ang shoot nila sa isang commercial pero bukas ay may schedule sya ulit. I reminded myself na huwag kaming magtatagal para hindi sya mapuyat para sa schedule nya bukas.
Nang maka order na sya ay bumalik rin sya agad at naupo. Inilapag nya rin ang wallet at cellphone nya sa mesa.
Kinuha ko ang paper bag at ibinigay sa kanya.
"Here's your strawberries."
"Thank you." Kinuha nya iyon at inilapag sa mesa sa side nya.
"Favorite mo talaga 'yan or you're just kidding?" Hindi ko pa rin kasi maisip kung totoo eh.
He chuckled. "It is my favorite! Why would I joke about it?"
"Ewan. Malay mo jinojoke mo lang ako."
"No. I really do."
"Makakabili ka naman nyan sa mga super market."
"It's different if it is from you," Tapos ngumisi sya.
Nakaramdam ako ng kaba. I swallowed. "What do y-you mean? Iba p-pag galing sa akin?"
Hindi sya sumagot. Ngumisi lang sya ulit at sumipsip mula sa iced coffee nya.
"Jiyong," Mahinang sabi ko. May laman 'yung sinabi nya. I don't want to go there, but I lowkey want him to explain whatever it means.
Tumitig sya sa akin. "Say that again," Lumapit sya at tumunghay.
BINABASA MO ANG
Yup! I'm That Noona
RomanceImagine: A younger former KPOP idol now living in the Philippines just confessed that he likes you.