11

45 11 0
                                    

"C-close pala kayo, ate?" Halata ang awkwardness sa boses ni Klair nang makapasok na si Jiyong. He doesn't seem to mind na naabutan nya ang kapatid ko dahil sya pa nga ang nakipag kilala kay Klair pero bothered ako.

I feel like what we have, no matter what it is we're doing, should just be between the two of us. Well, aside kay Kuya Manuel na hindi ko alam kung ano ang alam. But Klair seeing Jiyong here? Kinakabahan ako.

"Uhm, m-medyo. May ipapa basa kasi akong script sa kanya. B-baka magustuhan nya." I didn't know why I had to lie.

Imbes na sumagot ay tiningnan ni Klair ang dalang eco bag ni Jiyong na alam kong nakita nya na may alak at kung ano pa.

"May next movie ka na ulit na gagawin ate? Si Jiyong ulit ang bida?" Klair's face beamed.

Tumawa ako. "H-Hindi pa naman sure..." Ah, hell. Nasaan na ba ang pinapa order kong pagkain para makauwi na kapatid ko?

"Have you watched Something About Summer?" Maya maya ay si Jiyong naman ang nag tanong kay Klair.

Sunod sunod na tumango ang kapatid ko. "Oo naman! Bagay na bagay nga kayo ni Helena doon. Sya pa rin ba makakasama mo next movie?" Kumikinang ang mga mat ani Klair habang kinakausap si Jiyong.

I bit my lower lip to suppress laughing when Jiyong's expression obviously changed when Klair mentioned Helena.

"Ah, ganon? Not sure, eh."

Then the doorbell rang again.

Tumayo ulit si Klair. "Ito na ata talaga ang pizza, ate." She grinned at me before opening the door.

Inilabas nya sa paper bag ang pasta na inorder nya para sa ipapasalubong at nilagay sa backpack nya at tinanggal mula sa pagkaka tali ang dalawang pizza boxes na para sa kakainin naming dalawa sana.

"Hindi na ako kakain dito, ate. Una na ako umuwi,"

"Okay." I got my wallet. "Mag taxi ka na lang tapos dumaan ka na lang rin ng softdrinks."

Tumango sya. "Thank you, ate." Tapos humarap sya kay Jiyong habang sinusuot ang backpack nya. "Pwede magpa picture kuya?"

I swallowed when I heard what she said. Nagkamot ako ng batok.

Ngumiti si Jiyong. "Sure!"

Kinuha pa ni Jiyong ang cellphone ni Klair sa kamay nya at sya ang kumuha ng picture nila.

"Okay, tam ana 'yan ang dami na." Pigil ko.

Ngumuso si Klair. "Ate naman. Minsan lang maka kita ng artista, si kuya Jiyong pa!" Humarap sya kay Jiyong habang kinukuha nya ang cellphone nya from his hand. "Pwede kita tawaging kuya?"

"Sure," Lumapad ang ngiti ni Jiyong.

"Halika na, tara na." Sinamahan ko hanggang makalabas kami ng pintuan. I closed the door para hindi kami makita o marinig ni Jiyong.

I opened my wallet and gave her money.

"Thank you, ate."

"Huwag mong sabihin na nakita mo dito si Jiyong ha? Secret pa kasi itong project. Medyo strict kasi sa company nila at sa company namin." Gusto kong kilabutan sa mga sinasabi ko but she has to know how serious it is.

Tumango sya. "Okay, ate."

"Seryoso ako, ha? Patay rin ako sa boss ko pag nakalabas 'to." Gusto ko nang lumubog sa lupa sa mga sinasabi ko but I have no choice.

Klair is a teenager. She's only seventeen. I am pretty sure that she will brag to her friends about having photos with Jiyong. But I guess it will be fine huwag lang sabihin kung paano at sana.

Yup! I'm That NoonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon