Aire's Pov
I'm now a 20 years old and my master is really annoying para siyang si Ama huhuhu bakit ba ang higpit nilang tatlo ni ina sa akin. Ang aming tinitirhan ay may iba't ibang lungsod. May isang palasyo na pinamunuan ni Ina at ama kasama ang ibang konseho. Nag aaral ako sa Zacharia Academy tinuturuan kami doon kung paano magbasa ng salitang ginagamit ng mga maharlika.
Galing ako sa school at marami akong tanong ka master kaya dali dali akong tumakbo patungo sa loob at sinisigaw ang pangalan niya.
"Dion!!Dion!! Where are you!!?", sigaw ko
Hindi na bago sa mga tagapagbantay ang gawain ko at mga kasambahay dito sa palasyo. Dumiretso ako sa bulwagan kung saan nakaupo si ama at ina pero may isang panauhin kaya lumapit ako sa kanila. Tumakbo ako kay ina at ama, niyakap ko sila at hinalikan ang kanilang leeg hihihi. Yun kasi ang gawain ko hihihi ang ganda ni Ina at makisig naman si ama. Tumikhim ang panauhin kaya umayos ako ng tayo. Nakangiti akong humarap rito.
"Mawalang galang na po paumanhin po sa inasal ko , magandang hapon po pala ako nga pala si Aire.", nakangiting pakilala ko sabay yuko bahagya ng aking noo.
"Kay gandang binibini mana sa mga magulang", nakangiting saad ng panauhin
Narinig ko ang yapak sa aking likuran kaya dali dali akong tumakbo para yakapin si Dion. Siya yung tinatawag kong master. Hinalikan niya lamang ang noo ko sabay himas nito at yakap.
"Dion may tanong ako", nakanguso kong saad
"Sinabi ko bang talikuran mo ang ating panauhin?", nakataas ng kilay nitong tanong sabay pitik sa tungki ng ilong ko.
"Hindi, wala ka doon ehh", nakangiti kong sagot
"Hayss ikaw talaga", sabay gulo ng buhok ko at dumiretso sa panauhin.
"Dion naman ehh importante paba iyan kaysa sa akin!", inis kong sigaw sa kanya pero di man lang ako pinansin
Tumakbo nalang ako sa kwarto at nagbihis. Sinuot ko ang boots ko tsaka naka sando tapos nag leather jacket ako. Sinuot ko ang maong high waist pants. Humarap ako sa salamin hihihi ang ganda ko. Dali dali akong tumakbo pababa. Nakarating ako sa bulwagan na wala na ang panauhin ni ina at ama. Nakataas ang kilay ni Dion habang sinuri ang kabuuang suot ko. Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na si Master.
"Hep, hihihi mageensayo lamang ako!", sigaw kong pigil sa kaniya
"Sasama ako", matigas na saad nito
Ampp ano pa ba ang aasahan ko. Napangiti ako nang may naisip akong magandang ideya hihihi. Sa loob ng limang taon ay natuto ako sa lahat ng kailangan kong matutunan sa mundong ito. Tinuruan ako ni Master at ng mga magulang ko.
Pinalutang ko ang sarili ko habang may ngiti sa labing nakatingin kay Master. Dumila ako sa kanya na ikinainis niya. Akmang lilipad ako sa taas nang may pumulupot na berdeng mga dahon sa aking katawan. Ngumisi ako hihihi manifesting na sana makawala ako.
Gamit ang katana na meron sa kamay ko ay hiniwa ko ang mga dahon na hindi nadadaplisan ang mga balat ko. Pinaikot ko ang aking katawan habang ibinaba ko ang aking sarili. Napalakpak ako sa aking sarili dahil nagtagumpay ako sa aking plano ng walang hirap hihihi.
"Blehh Master ang hina mo na gusto mo turuan kita?", nakangiting tanong ko kay Master
"It's Dion from now on baby", nakangiting saad ni Dion
"Okay Dion", akmang aalis na ako nang hinila niya kamay ko
Nakasimangot ako habang naglalakad kaming dalawa ni Dion sa isang maliit na siyudad sa bayan ng Zacharia. Alam niya kasing hindi ako mag eensayo. Hindi ko man lang siya natakasan kanina ammp. Ikaw ba naman gugulpihin niya ang alaga kong si moo ammp. Nasa tabi ko si moo ayaw kong sumakay sa kanya ngayun kasi wala ako sa mood. Isa siyang malaking aso, makapal ang balahibo at may maabong kulay na hinaluan ng puting kulay. Hanggang balikat ko ang taas nito.
YOU ARE READING
UNKNOWN PRINCESS (Completed)
FantasyShe's Aubrey Lynn Zaxion, welcome for the beginning of her journey!