Chapter 38

0 0 0
                                        

Aubrey's Pov

Ano ang ibig sabihin ni Mallinia. Naglaho si Mallinia at tiningnan ko ang mga kalaban. Mga nasa libo parin ito at kitang kita ko ang mga higher ranks na nahihirapan na. Lumipad ako paitaas sa anyong dragon ko. Binugahan ko ng apoy ang buong kalaban na ikinaatras ng mga higher ranks. Kitang kita ko kung gaano kadami ang hukbo ng mga kalaban. Bumaba ako sa lupa na ikinalindol ng kaunti. Kitang kita ko ang ibang umaatras na mga kawal ng kalaban. Hinampas ko ng buntot ang iba at pinugutan ng ulo ang iba. Binugahan ko din ng apoy ang ibang kawal na umatake sa akin mula sa harapan. Hanggang sa wala na akong naramdaman na kalaban mula sa kadiliman. Tiningnan ko ang mga higher ranks.

"Aubrey!", sigaw ni Vienna habang tumatakbo sa akin

Bago pa niya ako maabutan ay lumipad na ako paitaas at dumiretso sa kaharian namin. Bumungad sa akin ang nakasimangot na si Hellbert. Miss ko si Kuya and being with them can makes me feel relaxed. Nakita kong nagulat si kuya sa paglanding pero napangiti parin ito. Hinawakan niya ang noo ko at hinimas.

"It's good to be back Aubrey", nakangiting saad nito

Nag anyong tao ako tsaka niyakap ko si Kuya Hellbert. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at pinapatahan ako ni kuya. Mom and dad also coming to us. Niyakap nila akong tatlo. I feel now that I'm safe and it's good to be on their embrace. I'm so happy right now na nakabalik na ako sa mga yakap nila. Alam kong hindi pa dito nagtatapos ang lahat.

"Mom the witch kingdom", saad ko rito at naiintindinhan nila ang ipinahiwatig ko

"The king is on their hands at kailangan natin na mapatay ang mga makasalanan na iyon", mariin na saad ni Kuya

Tumango na lamang ako at nag hihintay sa kanila. Ang buong kaharian ay napakakalat pero wala kang makikitang bangkay ng kahit na sino. Natulala na lamang ako, kahit na magtagumpay ako ay mahahanap ko kaya si Dion? Matutulungan ba ako ni Frea? Kailangan ko lang naman na makita si Dion para mapayapa na akong umalis sa mundong ito.

"Aubrey let's go", aya ni kuya

Naglaho silang tatlo kaya sumunod na rin ako. Bumungad sa akin ang nagdaang mga kawal ng kadiliman. Kitang kita ko ang nakangising mukha ni Cassey at nag teleport ito sa harap ko.

"You're too weak Aubrey", nakangising saad nito

"Exactly I'm weak but I can kill you right now Cassey", nakangiting sagot ko sa kanya

"Hahaha napakahinang nilalang!", sigaw nito sa akin

Humaba ang mga kuko ko at ginamit ko ang itim na mahika meron ako kasabay ng paglabas ng maitim na sandata. Sinipa ko ang sikmura ni Cassey pero umiwas lamang ito at nagteleport sa likod ko kasabay ng pagsipa niya sa akin na ikinalipad ko. Hindi ko inaasahan ang atake niya fvck. Lumabas ang maraming ugat at inatake siya nito. Panay ilag ang ginawa ni Cassey kasabay ng pagbigkas niya ng spell ay unti unting pagkaputol ng mga ugat. Bumukas ang lupa at lumabas ang dalawang galamay ng serpente pero inilagan niya lamang ito sa angking bilis niya. Pabulsok akong umatake sa kanyang leeg pero sinalag niya lamang ito at sinipa ako pero nahawakan ko ang paa niya at pinisil iyon na ikinasigaw nito. Ibinalibag ko si Cassey pero nabalanse niya ang kanyang sarili sa hangin.

Nakangising tumingin ito sa akin kasabay ng paglabas ng mga maiitim na ugat sa aking likuran. I used my fire magic na ikinasunog ng mga ugat pero patuloy parin ito sa pagdami na parang walang katapusan. Inilipad ko ang sarili ko nang hindi nakalabas ang pakpak. Inilabas ni Cassey ang malagintong metal at hinampas sa akin. Hindi ko inaasahan ang atake niya kaya napasigaw ako sa sakit. Narinig ko ang sigaw ni Kuya na kalaban si Kiya pero hindi ko na ito pinakinggan pa. Tumayo ako kasabay ng dugo na umaagos sa dibdib ko. Thats a normal scratch for now. Pinaikot niya ang latigo sa katawan ko pero bago pa ako mahagip ay naglaho ako at bumungad sa likuran ni Cassey. Sinipa ko siya na ikinalipad niya.

UNKNOWN PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now