Dion's Pov
Tumatakbo ako sa kagubatan hindi alintana ang sigaw ni Ina at ang malakas at mahapdi sa balat na init. Pakanta kanta ako habang nagpaikot ikot sa dinadaanan ko kasabay ng pag iwas ng mga puno at mga damo sa aking katawan para hindi ako masaktan napatawa na lamang ako sa sarili kong kagagawan.
"Anak balik kana uuwi na tayo!!", sigaw ni Ina
Si Ina at ama ang pinakamataas na konseho sa bayang ito. May apat na mag asawang konseho kabilang na ang aking mga magulang. Nagiisa akong lalaking anak wala akong kapatid kaya ganito ako kalikot. Gusto ko kasing maglaro sa labas kahit na labing anim na taon na ako. Dito kasi ako nagiging masaya, ang kalayaan at ang paglalaro kasabay ng pageensayo ng aking kapangyarihan.
"Babalik na po!!", sigaw ko pabalik
Bumalik ako sa dinadaanan ko pero ngayun ay naglalakad lang ako gusto kong sulitin ang oras ko sa lupaing ito lalo na't dumadayo lamang kami ng aking mga magulang para tulungan ang nangangailangan. Habang kumakanta ako ay may narinig akong kaluskos kaya umalerto ako. Tumalon ako sa sanga ng mataas na puno gamit ang malaking ugat na siyang nagbigay pwersa sa aking katawan para maiangat ko ito sa ere. Imbes na hayop ang aking nakikita ay isa itong liwanang mula sa malaking bulaklak ng hyacinth di ko man lang napansin ang nagiisang bulaklak na ito.
Lumapit ako habang nakataas ang kamay na may espada. Rinig ko ang sigaw ni Ina pero binalewala ko lamang ito. Habang palapit ako ng palapit ay dobleng kaba ang aking nararamdaman. Paano pag isa itong uso na nagbalat kayo? Paano pag kakainin ako nito ? Sayang naman ang lahi ni ama kung hindi ito mapadami. Bahala na nga
Habang palapit ako ay gumawa ako ng pananggang dahon para sa sarili ko para maiwasan ang atake. Nang makalapit na ako akmang isakisak ko sa isang nagliwanag na bulaklak ng makita ko ang munting sanggol.
Isang sanggol hala paano pag isa itong mangkukulam na nagbalat kayo? Nako ama pasensya na mukhang hanggang dito nalang siguro ang lahi mo. Bahala na kukunin ko na ang sanggol na ito.
Binalik ko ang espada sa gilid ng aking baywang. Binuhat ko ang munting sanggol. Nakapikit ito habang ang mga maliliit na kamay ay nasa hintuturo niya. Isang manipis na tela lamang ang nakabalot sa kanya. Maputing tela , parang may pula ito hala panginoon baka nasugatan ito. Dali dali kong binaklas ang tela.
Nagulat ako muntik ko ng mabitawan ang bata dali dali kong binalik ito sa dati. Puno ng pawis ang aking mukha , makapangyarihang panginoon nawa'y ako ay iyong patawarin hindi ko po sinasadya huhuhu.
"Bakit ba wala kang saplot naman ehh kasalanan mo ito", pasaring kong reklamo sa munting sanggol
Pero umungol lamang ito. Hayys inaantok ata ang batang ito. Sabagay ang ganda ng pangalan niya. Isa siyang babae kitang kita mo din ang hugis kurona sa kanyang noo. Mapupulang hugis na kurona na may ibat ibang kulay na bilog sa bawat tuktok ng disenyo nito.
"Mula ngayon ibahin ko ang pangalan mo syempre ako ang nakapulot sayo at dapat tawagin mo akong master", nakangiting saad ko dito habang naglalakad
"Alam mo ba ang ganda mo mapuputing balat at kay kinis na para bang mula sa bayan ng mga maharlika. Mula ngayun ikaw na si Aire ang ganda no?. Alam mo ba na gusto kong makapag aral at makapunta sa labas ng mundo natin?. Siguro pag malaki na ako ay papayagan na ako ni Ina at ama. Aire sa akin ka muna huh aalagaan kita hanggang sa paglaki mo at mamahalin__", di ko na natapos ang sasabihin ko ng dumating si ama at ina
"Nakong bata ka nandito ka lang pala", rinig kong saad ni Ina sa aking likuran mali pala ang daang tinahak ko
"Kanina pa kami naghahanap sayo anak uuwi na__", natigil si ama sa pagsalita nang humarap ako
YOU ARE READING
UNKNOWN PRINCESS (Completed)
FantasíaShe's Aubrey Lynn Zaxion, welcome for the beginning of her journey!
