Chapter 39

0 0 0
                                        

Denver's Pov

Unti unting bumagsak ang katawan ni Aubrey sa anyong tao. Bago pa lumapag ang kanyang katawan sa lupa ay lumipad na ako at sinasalo ang katawan niya. Napaiyak na lamang ako sa sakit. Inilapag ko siya sa lupa at inihiga ang ulo sa paa ko. Vienna is crying habang niyayakap ang katawan ni Aubrey.

"You're leaving me again pero ngayun hindi ka na nangangako sa akin.", umiiyak na saad ko

"Aubrey! Don't leave me please hear me out Aubrey Lynn!", Umiiyak na sigaw ni Vienna

Puno ng iyakan ang buong kaharian ng underworld. Napaiyak ako sa sakit. Nagulat na lamang ako na lumulutang ang katawan ni Frea. Ang diyosa na hinahanap namin at naging taksil. Galit at poot ang naramdaman ko pero hindi pa ito ang tamang pahanon para rito. Nagulat ako nang lumiwanag ang katawan ni Aubrey hanggang sa naging dragon ito. Napakaliit na dragon, akmang hahawakan ni Frea ang dragong anyo ni Aubrey nang gumawa ako ng barrier habang nasa bisig ko si Aubrey.

Lumipad si Vienna kasabay ng sigaw nilang lahat. Inatake nila ang barrier pero laking gulat ko nang nagpalabas ng enerhiya ang dragong anyo ni Aubrey. Pinalakas ang barrier ko kahit na nakapikit ang mga mata nito. Natigil sa pag atake ang lahat. Nagulat ako kasama ang lahat nang umangat ako sa ere kasama si Frea. Sumisigaw sila kasabay ng aking paglaho.

GINALAW ko ang aking katawan kahit pakiramdam ko ay napakahirap igalaw. Narinig ko ang hindi pamilyar na sigaw sa paligid. Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kalangitan kung saan lumilipad ang ibat ibang dragon. Ngayun ko lang nakikita ang dragon na ito. Kung isang panaginip man ito parang ayaw ko ng gumising na nagbabasakaling makikita ko si Aubrey.

Nagpanic ako, gusto kong gumalaw pero ang hirap. Hanggang sa nakita ko ang tatlong mga binata sa harap ko at dalawang babae at isa na doon si Frea. Kanya kanyang naglabas ng liwanag sila kasabay ng pag ugong ng mga trumpets na hawak ng mga dragon. Unti unting nagkalakas ang aking katawan. Pilit kung bumangon at nagtagumpay ako. Nilibot ko ang aking paningin , nakahiga ako sa gitna nang malaking bato na pinalibutan ng tubig at napansin ko na may isa pang nakahiga. Nakita ko si Aubrey kaya kahit nanghina pa ako ay tinakbo ko ang pagitan namin. Nadapa ako sa mga bato pero hindi ko na pinansin ang sugat natamo at ang basa kong suot hanggang sa nakarating ako sa hinigaan ni Aubrey.

Napansin ko na nakalutang silang lima habang nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Aubrey at dinala ito sa pisngi ko.

"Please wake up", nagmamakaawa ko sa kanya

"You promise me that you'll come back and I'm happy that you did but why? Bakit ka lumisan ulit na walang paalam?", hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko

Napasigaw ako sa sakit nang may naramdaman akong kakaiba sa pulsuhan ko. Tiningnan ko ito at isa itong simbolo ng dragon na pinalibutan nang mapupulang kulay. Nagulat ako nang umiilaw din ang kabilang pulsuhan ni Aubrey. Gumalaw ang daliri nito kaya dali dali kong tinapik ang kanyang mukha. Inilapit ko sa kanyang tainga ang aking labi at bumulong.

"Aubrey please wake up, I'm waiting , I will marry you, please wake up",naiiyak kong pagsusumamo

Napatingin ako kay Aubrey nang dumilat siya nagulat ako nang lumutang ang katawan ko kasabay nang paglabas nila ng mga kapangyarihan o enerhiya at dumiretso ito sa katawan ni Aubrey. Nakita kong umiiyak silang lahat at nilapitan si Aubrey. Niyakap nila ito at ako ay naiiyak sa tuwa. May nakita akong lalaki na papalapit at binigyan nila ito ng daan. Niyakap niya nang mahigpit si Aubrey. Umiiyak ako dahil sa tuwa at sakit dahil alam kong wala na akong pag asa.

Bumangon si Aubrey at niyakap ang lalaki pabalik habang umiiyak. Tumalikod na lamang ako sa kanila at naglalakad. Hinahanap ko ang daan palabas pero wala akong makita. Puro tubig lamang ang aking nakikita kaya napaupo na lamang ako sa bato. Napatingin ako sa kalawakan. I don't know everything, nang dumating ang digmaan ay wala ako sa aming kaharian. Kumusta na kaya ang aking mga magulang?

UNKNOWN PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now