Aubrey's/Aire's Pov
Pagkaalis ko sa Academya ay dumiretso ako sa kweba kung saan ko iniwan ang diyosa. Kailangan kong malaman kong nakakita ba siya ng paraan kung paano makauwi sa mundo ng Zacharia. Kailangan ko ding kumalma. Fvck bumungad sa akin ang tahimik na kweba at naramdaman ko ang dalawang presensya, kay Frea at sa isang lalaking mula sa fire Kingdom na may lahing dark creature? Wth anong ginagawa niya rito. Nagmamadaling tumakbo ako sa loob at bumungad sa akin ang naghahalikan na si Frea at ang lalaki.
"Fvck !", mura ko bago tumalikod
Namumula ang mga pisngi ko kahit hindi ko tiningnan. Fuck you Denver for ruining me.
"Aubrey!", nagugulat na sigaw ni Frea
"Who is she?", tanong ng lalaki
Humarap ako sa kanila at tiningnan ko ang lalaki. Maitim ang mga mata nito kaya pala. He is definitely mix.
"She's Aubrey", saad ni Frea
Bago pa ako magsalita ay sinunggaban na ako ng lalaki. Dala ang espada ay target ang aking leeg. Fvck! This is exciting to calm. Sigaw ni Frea ang aking narinig pero binalewala ko ito. Hinawakan ko ang dulo ng kanyang espada at hinila ito papalapit sa akin kaya ang kanyang katawan ay nakasunod sa espada. Sinipa ko ang sikmura nito na ikinasigaw niya at ni Frea.
"Arkill!", sigaw ni Frea
So he's Arkill huh. Tumayo ito kasabay ng paglabas ng mga nagaapoy na nga espada at ginawa niya itong kulungan. Nice huh. Gamit ang kapangyarihan ng hangin at bumalik ang atake sa kanya buti na lamang nailagan niya ito. Nagsulputan ang mga maiitim at mapupulang ugat ng mga puno. Wow how amazing he is. Nakapulupot sa akin ang mga pulang ugat at kasabay ng pagsaksak ng maitim na ugat sa aking katawan. Gamit ang lakas at kapangyarihan ko ay ang paglipad ng mga ugat sa aking katawan. Naghihilom ang aking mga sugat kaya ngumisi ako rito.
"It's my turn right now", nakangiting saad ko
"Aubrey stop it", sigaw ni Frea habang nasa harap ni Arkill
"Step out Frea", saad ko
Nagsulputan ang mga matutulis na bato kasabay ng pagatake ko kay Arkill. Nasangga niya ito pero may iba parin na dumaplis sa kanyang katawan. I used my sword to bleed him. Puntirya ko ang kanyang mukha kaya pabulsok akong umatake gamit ang maitim na espada at sinugatan ang mukha nito. Pero bago pa ito makarating sa mukha niya ay sinangga niya ang aking atake at sinipa niya ang aking sikmura. Napaatras ako kasabay ng pagatake ko ulit at akmang sisipain ko siya sa sikmura nang mahawakan niya ang paa ko. I back flip from the force of his hand at sinipa ang kanyang likod na ikinalipad nito sa kabilang bahagi ng kweba.
Akmang lalapit si Frea ng lumipad ito dahil sa kapangyarihan ko. Tumayo si Arkill kaya pabulsok akong umatake. Nahawakan niya ang aking kamay kaya no choice pinisil ko ang kamay niya na ikinasigaw nito at rinig ko ang nababaling daliri. Umatras ako kasabay ng mga ugat na pumasok mula sa labas ng kweba. Tumayo si Arkill at nag summon din siya ng mga ugat. Our roots clash to its other kaya habang busy siya sa isang kapangyarihan niya ay kasabay ng paglaho ko at bungad sa kanyang likod ay pagsaksak ko sa kanyang sikmura gamit ang aking matutulis na kuko. Humupa ang labanan ng bumagsak si Arkill kasabay ng sigaw ni Frea. Sumuka ito ng dugo tsk. Dramatic
"Arkill!", naiiyak na sigaw ni Frea
Nilapitan niya ito at hinawakan ang mukha. Sinubukan Niya itong gamutin pero patuloy parin sa pagsuka ng dugo si Arkill.
"Tsk", saad ko na lamang
"Aubrey please bring him back", nagmamakaawang saad ni Frea
"Siya ang lalaking yun hindi ba?", Tanong ko rito na ikinatango niya
YOU ARE READING
UNKNOWN PRINCESS (Completed)
FantasyShe's Aubrey Lynn Zaxion, welcome for the beginning of her journey!
