Chapter 20

0 0 0
                                    

Vienna's Pov

Pagkatapos ng kunting sagupaan ay nagpahinga na muna kami at nag kanya kanyang isip kung saan kami patutungo. Hindi namin alam kung saan namin mahahanap si Aubrey.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay hinayaan na lamang namin na ang tadhana na lamang ang gagabay sa amin hanggang sa mahanap namin si Aubrey. Habang naglalakbay kami ay may isang ibon na nagdala ng mensahe na bumalik na si Aubrey. Natuod kaming lahat sa aming kinatatayuan. Hindi kami makapaniwala na kusa itong bumalik. Natauhan na lamang ako ng kanya kanyang nawawala ang mga miyembro ng grupo.

Naglaho ako papunta sa field pero walang Aubrey ang aking nakikita. May kumpulan ng mga kabataan hanggang sa nagkanya kanyang alis sila. Nakita ko siya tumatakbo na para bang hindi niya alam kung saan siya patutungo. I use my speed to catch her pero gaya ng dati ay mabilis parin siyang kumilos na parang walang pinagbago. She wear a clothes mula sa mundo ng mga tao.

Hanggang sa nagsitakbuhan kaming mga grupo habang sumusunod sa kanya. Nakarating kami sa malaking puno at nakita naming nakaidlip siya. Patakbo kaming lumapit sa kanya pero nahinto kaming lahat ng gumising si Aubrey.

Hindi parin nagbago ang kanyang hitsura pero yung mga mata niya maitim gaya ng normal na mga tao na parang walang kapangyarihan. She has a black hair hindi na katulad ng dati. Ang buhok niya ay hanggang baywang. Parang normal lamang siya na Zaxion. Kuya Hellbert is not nowhere to be found siguro nagwawala na siya ngayun kung nakikita niya si Aubrey.

Nakatayo si Aubrey na parang inosenteng bata na walang kaalam alam sa mga pangyayari sa paligid. Gumawa siya ng barrier mula sa kapangyarihan ng apoy. Walang nagbago kahit ang kanyang mga mata ay hindi umiilaw na para bang hindi siya gumamit ng kapangyarihan. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako hindi ko matanggap na ganito ang nangyari.

Hindi niya ako kilala gaya ng dati. Ang mga mata niya ay parang inosenteng bata. Umiiyak si Aubreyy na kahit noon ay madalang lamang mangyari. Doon siya umiyak sa supot at doon ko napansin na ang kanyang mga luha ay mga bilog na mga ginto. Doon niya nilagay ang kanyang mga gintong luha.

Nahinto siya sa pag iyak ng inangat namin ang aming mga kamay para basagin ang ginawang barrier. Pero laking gulat namin na hindi ito nabasag at naglaho na lamang ang aming pinalabas na kapangyarihan.

Nanibago ako sa kanya ,tumatawa si Aubrey na parang nakagawa siya ng isang bagay na hindi niya inaasahan. Naiiyak ako sobrang sakit hindi na siya ang Aubrey na tinuring ako na kapatid.

Marami siyang tanong pero wala akong naisagot at hinayaan na lamang silang sagutin ang katanungan niya. Tama nga ang hinala ko na naliligaw siya at mula siya sa isang lugar na hindi namin alam kung saan matatagpuan.

Lumakad siya at huminto sa aking harapan pero parang wala lang sa kanya at umalis na. Napasigaw ako sa sakit.

"Ahhhhhhh!!", sigaw ko

"Aubreyyy!!", sigaw ko pero hindi man lang siya lumingon

Akmang susundan ko siya ng hinila ako ni Tyrone. Niyakap niya ako ng mahigpit para hindi makawala sa kanya. Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas o sadyang wala na akong lakas.

"Aubrey", mahinang saad ko sa pangalan niya

Nabigla kami ng nag activate lalo ang barrier kitang kita namin kung paano umilaw ang barrier sa academya nang makalabas si Aubrey. Siya si Aubrey, nilukob ng kasiyahan ang aking puso ng maconfirm ko na si Aubrey ang kaharap namin.

"She's Aubrey!", nakangiting sigaw ko habang tumutulo ang aking mga luha

"Vienna", nagalalang saad ni Tyrone

"Bakit? Siya si Vienna nakikita niyo naman diba kung anong nangyari?", umaasang tanong ko

"Oo", umiwas ng tingin si Tyrone

UNKNOWN PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now