Aubrey's Pov
Akala ko tapos na ang lahat. Nawawala na ang mga serpente, giants , and trolls. Naiwan na lamang ang palasyo kasama ang mga mamamayan. Usok ang makikita mo sa buong kapaligiran ngunit ang akala ko ay kabaliktaran. May pumulupot na kadenang metal sa buong katawan ko habang nasa anyong dragon ako na ikinabagsak ko. Umigik ako sa sakit fvck hindi ako sanay sa sakit sa katawan ng dragon. Narinig ko ang pamilyar na tawa.
"Well well well , inaasahan ko na ang pangyayaring ito. Wala paring pinagbago ang iyong kakayahan Aubrey", nakangiting saad ni Chanie
"Fvck!", mura ko dahil nahihirapan akong huminga at hindi ko magagamit ang kapangyarihan ko
"Wag mo nang pilitin pa Aubrey , wala kang magagawa sa kadenang yan. It's a metal that predict you to use your power", humahalakhak na saad ni Chanie
Napaungol na lamang ako habang nasa dragon na anyo ako. Narinig ko ang sigaw ng mga mamamayan kasabay ng naging ina at ama ko.
"Aire fight her please don't let everyone on her hands", bulong sa hangin na saad ng ina niya
Napangiti ako ng mapait. Ito ang gusto niyo hindi ba ang mawawala ako sa mundong ginagalawan niyo. Dion is gone, Denver is only I have for now but I know that he's happy with Ziana. I need to rest for a while.
Inangat ni Chanie ang dragon kong anyo at inihagis sa barrier na ginawa ko. So sad Chanie you can't break that barrier. Bumalik ako sa taong anyo habang nakapulupot parin sa katawan ko ang metal. Napangiti na lamang ako sa harap ni Chanie ng itinayo niya ang aking katawan.
"Napakatanga mo Aubrey, we are a witch. We can do everything we want", humahalakhak na saad niya
"Enjoy your triumph, it will never be permanent", humahalakhak na saad ko rito
Naiinis siya sa itinuran ko na lalong nagpasiklab ng galit niya. Lalo akong nahirapan huminga kasabay ng pagsuka ko ng dugo na walang katapusan.
"Mamatay kana", humahalakhak na saad nito
"Remember this Chanie , I will rule the world darkness and light. I can do also everything you can do yet you can't do everything I can do", humahalakhak na saad ko kasabay ng paglipad ng metal na kadena at nang kanyang sarili
Humarap ito sa akin na may galit sa mga mata.
"Hindi pa tayo tapos , papatayin kita sa digmaan", nakangising saad ni Chanie bago naglaho
Patuloy parin sa pagdaloy ang dugo mula sa mga labi ko. Binasag ko ang barrier sa palasyo. Kahit patuloy sa pagdaloy ang dugo ko ay lumipad parin ako paitaas. Gumawa ako ng barrier sa buong Zacharia. Dumugo ang ilong ko at tainga ko. Sumasakit ang pulsuhan ko at likod na para bang may gustong kumawala. Bago pa ako mabagsak sa lupa ay nakita ko si Frea na lumilipad sa anyong dragon. She's a beautiful fire dragon. Napapikit ako sa antok hanggang sa wala na akong alam sa susunod na nangyayari.
NAGISING ako na para bang may nakayakap sa akin. Masarap sa pakiramdam dahil parang gusto kong narito na lamang ako palagi. Iminulat ko ang aking mga mata, maninipis na tela lamang ang suot ko at nasa kweba parin kami. Kitang kita ko si Arkill na nagluluto sa loob ng kweba gamit ang mga sanga ng kahoy at siguro bumibili ito ng ulam sa labas ng kweba. Frea is on her dragon form , yung isang pakpak niya ay nasa buong katawan ko habang ang leeg niya at ulo ay nasa ibabaw ng ulo ko na para bang nagiingat na hindi ako madaganan. At ang isang pakpak naman ay hinihigaan ko. Tatayo na sana ako ngunit nahihilo ako kaya napabagsak ko na lamang ang aking katawan. Umungol si Frea na para bang ayaw niya akong tumayo kaya nanatili na lamang ako sa aking pwesto.
Kumulo ang tiyan ko kaya kahit nahihilo ay tinapik ko ang pakpak ni Frea para mapaalis ako sa pwesto. Tumayo ako at dinagdagan ang aking suot ng makapal na suot dahil sa giniginaw ako. Bumalik sa taong anyo si Frea habang naghahanda ng pagkain si Arkill.
YOU ARE READING
UNKNOWN PRINCESS (Completed)
FantastikShe's Aubrey Lynn Zaxion, welcome for the beginning of her journey!
